#HCH08

37 3 0
                                    

#HCH08

"Okay class dismissed!"

Naging maingay ang buong classroom. Nagsitayuan narin ang ilan kong classmates at ang iba ay nagmadali ng lumabas ng pintuan para makauwi na ng maaga or baka nagmamadali dahil may iba pang lakad.

"Grabe buti nalang nakita ko yung naka note sa taas na all capslock dapat ang sagot!" si Marian na nakatayo na sa harapan ko at hinihintay nalang akong matapos sa pagliligpit ng gamit.

Natigil ako sa pag-aayos at tinignan si Marian. 

"Anong sabi mo?"

Tinignan niya ako ng may gulat sa kanyang mata. 

"Wag mong sabihing hindi mo nakita yung nakanote sa pinakataas katabi ng instructions Laiseya?!"

Parang lahat ng dugo ko ay namuo dahil nag-init bigla ang buong katawan ko. Seryoso meron yun? Shit bakit hindi ko napansin at nabasa!

Gusto kong maiyak sa resulta sa long quiz namin! Sobra pa ang pagod at puyat ko sa pag rereview ko kagabi tapos ganun nalang yun? Dahil lang sa capslock na hindi ko nabasa mazezero ako?!

"Hala hindi nga nabasa!"

Namadyak ako saka mabilisang tumayo. "Mauna ka ng umuwi Marian hahabulin ko lang si ma'am, pakikiusapan ko."

"Sasamahan na kita!"

"Hindi na kaya ko to!"

"Pero—"

"Sige na sumabay kana kay Joaquim!"

Nagmadali akong lumabas ng classroom saka tumakbo papuntang faculty. Naabutan ko si ma'am na kakapasok palang ng faculty. Lumapit ako sa table ni ma'am kaya tinignan niya ako.

"Ma'am pasensiya na po, pero talaga po bang kailangan naka all caps ang sagot sa pinaquiz niyo kanina?"

Ngumiti si Ma'am. "Oo naman nak, hindi mo ba nabasa?"

Nalungkot talaga ako ng naconfirm ni ma'am na kailangan talaga. Ngumuso ako para pagtakpan ang lungkot. 

"Hindi ko po napansin ma'am," tumikhim ako para pag takpan ang bumabara sa lalamunan ko. "Ma'am baka po pwedeng iconsider niyo nalang po?"

Umiling si Ma'am saka ngumiti. "Hindi nak, unfair naman sa iba kung may hindi rin nag capslock sa pagsagot at icoconsider ko yung sayo pero yung sa iba hindi."

"Ma'am sige na po please, mahalaga po talaga saakin yung long quiz kanina."

"Alam ko Laiseya dahil nag aagawan kayo ni Busdatier sa posisyon na valedictorian."

"Ma'am sige na po kahit half of my score nalang po yung kunin niyo para hindi po kahit papaano zero makukuha ko."

"Pag iisipan ko pa nak. Kung ikaw lang yung hindi naka capslock baka iconsiderate ko pero kapag may ilan na hindi rin nabasa na icacaplock pala, pasensiya nalang."

Mabagal akong tumango. "Sige po ma'am salamat po."

Tulala akong lumabas ng gate ng school. Ayaw ko pang umuwi. Bigla nalang gusto kong mainis sa sarili at sa lahat ng tao. Ayaw ko munang magsalita or kahit na may makasama man lang. Gusto kong mapagisa.

Alam kong grade lang yun pero para saakin mahalaga yun. Kahit quiz mahalaga, bawat points mahalaga.

Yes, I am a grade conscious kasi may gusto akong patunayan sa sarili at may gusto akong applyan na scholarship ko para sana sa nalalapit na pagiging kolehiyo ko.

Naglakad ako papunta sa pamilyar na daan patungong sementeryo na kung saan lagi kong pinupuntahan kapag gusto kong mapag isa.

Mabagal kong nilalagpasan ang bawat puntod na napapaligiran ng mga kulay berdeng damo para hindi maapakan.

Hinanap ko ang lagi kong pinupuntahan na puntod kahit hindi ko kilala o kaano ano. Nakasanayan ko na din na lagi akong pumupunta dito kapag gusto kong mapag isa dahil bukod sa hindi ito crowded na puntod may isa pang malaking puno na nakatayo sa tabi nito na pwedeng pag pahingaan at pagsilungan.

"Pasensiya na po nandito nanaman po ako." kausap ko sa malapit na puntod na lagi kong kinakausap kapag nagagawi ako dito.

Bumuntong hininga ako. "Opo, malungkot po ulit ako ngayon kaya ako nandito." pagpapatuloy ko, totoo naman na kapag malungkot at gusto kong mapag isa dito lang ako lagi pumupunta dahil walang tao at tahimik.

Umihip ang pang hapon na hangin. Tinipon ko ang hinahangin na buhok ko saka naupo sa damuhan, sumandal din ako sa malaking puno saka inilagay ang braso at noo sa aking tuhod.

Bumuntong hininga ulit ako saka pinakawalan ang luhang kanina pa pinipigilan. Habang patagal ng patagal ang pag buhos ng luha ko sa aking mata palakas din ng palakas ang hagulgol ko.

Naalala ko pa ang sinabi saakin noon ni Mama na kapag hindi ko ginalingan sa pag aaral baka hindi niya ako kayang pag aaralin pag naging kolehiyo na ako kaya gusto kong pag igihan pa para mag apply bilang isang skolar sana. Gusto kong makapag tapos. Gusto kong may maabot kahit papaano.

Tahimik ang buong paligid kaya rinig na rinig ang bawat hikbi at iyak ko. Pinunasan ko ang mga luha ko na nasa pisngi pero napapalitan din naman iyon ng panibago.

Nakarinig ako ng mga mababagal na hakbang at mga tunog ng tuyong tahon na natatapakan pero hindi ko yun pinansin o tinignan man lang.

"Hindi ko alam na kakilala mo pala ang lola Oling." pamilyar na boses ang nagsalita.

Hindi ko parin siya inangatan ng tingin at nagpatuloy sa pag iyak. Naramdaman ko siyang naupo din sa damuhan na katapat ko lang. Mula sa braso ko, maliit kong inangat ang noo at sinilip kung siya nga yun.

I was right when I saw the familar face of Aisak Hiago while lightning the three white candle infront of the grave near us, yung lagi kong kinakausap na puntod.

Muli kong ibinaon ang aking mukha sa aking tuhod. I just want to cry until I get tired. I also still don't want to talk to anyone.

"Hey," he said in a low tone.

Bakit siya nandito? Sinundan ba niya ako? Pero tingin ko naman hindi dahil may dala siyang kandila ngayon. Nabanggit niya din kanina na Lola Oling, ibig sabihin ba nito Lola niya ang nasa harapan namin ngayon?

I-is it coincidence? Hindi ko aakalaing ang Lola Oling niya at ang lagi kong kinakausap na puntod ay iisa!

"Bakit ka umiiyak diyan?" tanong muli ni Hiago.

Hindi ako umimik at hindi siya pinansin, wala akong ganang makipag asaran o makiusap man lang. Hindi pa rin ako natigil sa kakaiyak at panay din ang hikbi ko.

Sa totoo lang nitong mga nakaraang araw naka sanayan ko ng makita siya. Mga ilang araw na din simula nung natapos ang foundation day at sa mga sumunod na araw na yun lagi na kaming nag kakasabay sa iisang tricycle pagpasok sa eskwelahan dahil nadadatnan ko siya sa tapat ng bahay nilang nag aabang din.

"Laiseya,"

Iniangat ko ang aking mukha at hinarap siya. I wiped my all tears running in my cheeks but it all useless.

"Use this," he offered nicely to his hankerchief.

Hindi ako gumalaw para kunin yun at sinamaan lang siya ng tingin. Gusto kong mapag isa pero ano bang ginagawa niya dito?!

He clicked his tongue and put the hankerchief in my hands. "Sige na punasan mo na mga luha mo ang pangit mo lalo tignan."

Umiling ako at walang nagawa kundi gamitin nga ang binigay niyang panyo. Ipinatong ko muli ang aking noo sa aking tuhod at muling humikbi.

"Let me cry in peace please." sabi ko ng pabulong. "I want to cry without hindrance." 

TWENTYONE

Her Cold HeartWhere stories live. Discover now