#HCH16

24 3 0
                                    

#HCH16

Maingay na ang buong classroom dahil wala pa rin kaming klase, mukhang di na yata kami sisiputin ngayon since bukas naman na ang final exam.

"Ayan ang walang gusto sayo Laiseya? Hindi na yata natanggal ang tingin niyan sayo!" pabulong na sabi ni Marian habang nginunguso si Kielso na malapit sa bintana.

Tumingin ako sa gawi ni Kielso, nang makita niyang tumingin ako sakanya agad siyang umiwas ng tingin saka kinausap ang katabi niya.

Umiling ako at binalik ang tingin kay Marian. "Baka wala naman talaga, wag ka na ngang mag assume."

"Bakit hindi? I observe something kaya,"

"Wala nga yun nag ooverthink ka lang Marian, saka naalala mo may nililigawan sa kabilang section 'yan."

"Baka palusot niya lang 'yon." ayaw paawat na sabi niya.

Bumuntong hininga ako saka natawa. "Hayaan na nga natin siya saka may gusto man siya o wala hindi ko siya tipo, period."

Walang tunog at mabagal na pumalakpak si Marian na ikinatawa ko lang. "Iba talagang nagagawa ng isang Aisak Hiago sayo 'ah," umusog siya ng kaunti saakin saka siya sumenyas gamit ang kanyang daliri para ilapit ko ang tainga ko sakanya.

"Ano?" tanong ko ng maitapat na ang tainga sakanya.

"Kailan mo naman sasagutin yang si Hiago?" bulong niyang sabi.

"Pinag iisipan ko pa, sabi nga niya makakapag hintay naman siya."

Dahil malapit ang mukha ko sakanya nakuha niya ang pisngi ko saka kinurot yun at pinangigilan pa niya.

"Aray Marian!"

"Sana lahat nakakapag hintay, ako nga hindi ko na nahintay si Joaquim ayun ako na tuloy ang nanliligaw sakanya!"

Tumawa ako. "Sige pag pagpatuloy mo yan, suportado kita!"

"Swerte mo Laiseya, ikaw ang hinihintay sana all may big ass este may Aisak Hiago!"

Tinakpan ko yung bunganga niya habang lumingon lingon sa paligid, chinicheck kong may nakarinig ba sakanya, wala naman kaya binitawan ko din siya. "Siraulo ka talaga!"

Humalakhak siya. "Pero talaga ang tagal ko nang naghihintay kay Joaquim kaya ang swerte mo!"

"Swerte ka din, malay mo baka humahanap pa ng tyempo or right time si Joaquim para sainyo."

"Ay mag dilang anghel ka sana!" ani Marian at parang binasbasan pa niya ako dahil sa mga kamay niyang nasa tuktok na ng ulo ko.

"Oo yan! Wag mawawalan ng pag asa!" tinanggal ko yung kamay niya bago tumayo. "Sige library na muna ako, see you later!"

Lumiit ang mga mata ni Marian na parang kinikilatis ako. "Weh? Mag aaral kaba talaga doon o date?"

Ngumuso ako saka tinapik siya. "Parehas!"

Tumawa siya ng malakas. "Multitasking ang potek!"

"Nahawa lang ako sayo! Sige na puntahan mo na din si Joaquim!" paalam ko bago nilisan ang classroom.

Tinahak ko na ang daan patungo sa library, since madadaanan naman ang classroom nila Hiago pasimple pa akong sumilip, hinanap ng mata ko si Hiago pero wala siya dun.

Wala nga din pala silang klase gaya ng sinabi niya kanina. May ilan siyang mga classmates na nandun pero wala siya, baka nga nasa library na din siya kaya nagpatuloy akong tinahak ang library.

Habang nag si-sign in ako ng pangalan ko inilibot ko ang mga mata ko para mahanap si Hiago. May ilan akong nakitang classmates niya, natapos na akong magsulat pero hindi ko pa din siya nahahanap kaya nilabas ko na ang telepono ko para itext siya.

Her Cold HeartWhere stories live. Discover now