#HCH10

33 3 0
                                    

#HCH10

"Ma nakita niyo ba dito yung tinabi kong isang sachet ng Milo kahapon?" tanong ko kay Mama na ngayon ay kumakain na ng agahan kasabay nina Dadang at Tito Philip.

"Aba'y malay ko Lai, tignan mo mabuti diyan sa basket at baka nadaganan lang!"

"Ma wala dito." sabi ko at nagpatuloy sa pag kalkal sa basket.

"Ate Lai sorry po natimpla ko na yung milo akala ko kasi walang may ari." si Dadang.

Naglakad ako papalapit sa kainan kung nasaan sila. Ngumuso ako at tumango. "Hindi ay—"

"Ito naman si Laiseya para milo lang pinag dadamot mo nanaman dito sa kapatid mo!" putol ni mama sa sinasabi ko.

Oo labag man sa kalooban ko pero kaya ko namang tanggapin yun kasi humingi din naman ng sorry si Dadang pero Dadang nanaman mukhang bibig ni mama? Hindi naman ganun yung gusto kong sabihin pero ang dami nanaman sinasabi ni mama.

Bumuntong hininga ako at napailing ng wala sa oras. Ang liit liit na bagay pinalalaki nanaman. Okay hindi nalang ako sasagot para hindi na lumala pa.

"Hayaan niyo na yan at bibili nalang ako mamaya." ani Tito Philip.

"Ito kasing si Laiseya parang hindi ko naturuan ng asal na wag mag damot sa kapatid!" si Mama. "paano nalang kung sa ibang tao?"

"Mama," singit ni Dadang. "Hindi naman po kasalanan ni ate Lai, kasalanan ko po I took it without asking everyone."

Umiling si Mama. "Tinuturuan ko lang naman kayo na wag mag damot!"

"Wala naman pong nag dadamot." I whispered in myself so no one would hear. Iba nanaman ang pagkaintindi ni Mama saakin. Akala nanaman siguro inaaway ko nanaman si Dadang.

"Ate Lai sorry po talaga."

Tipid akong ngumiti kay Dadang. Naglakad ako sa upuan na pinaglagyan ko ng bag para makaalis na sana, nawalan ako ng ganang kumain kasabay nila. Seriously dahil lang sa milo naugatan na ng maraming sanga?

Biglang bumigat ang dibdib ko sa nangyari.

"'Oh papasok kana Lai? Kumain ka muna." si Tito Philip.

"Hindi na po. Alis na po ako."

Nakita kong umiling si Mama. "Hayaan mo na Philip, wag nating pilitin ang ayaw." pabulong yun pero narinig ko pa rin.

Mabigat sa kalooban akong umalis ng bahay ng walang imik, medyo maaga pa kumpara sa dati kong pag alis.

Mahamog pa ng makalabas ako, hindi pa din sumisikat ang araw pero maliwanag na. Naisipan kong maglakad nalang since maaga pa naman. Gamit ang mga paa kong naglalakad sinisipa ko pa ang mga iilang batong nadadaanan sa kalsada.

I wonder when that kind of interaction with mama started. I don't know, kahit ilang ulit na ding nangyayari yung maliliit na bagay na hindi pag uunawaan namin ni mama alam ko sa sarili ko na mama ko pa rin si mama.

Feeling ko wala akong karapatang magreklamo kasi feeling ko anak lang ako dahil sa pagkakamali nina mama at papa, na wala akong karapatang tumutol sa gusto nila. I wonder why she treated me differently now?

Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko na sana mapapansin si Lolo Alas na nag wawalis sa tapat ng bahay nila kung hindi pa niya ako tinawag sa pangalan ko.

Gulat pa ako dahil natatandaan pa ako ni Lolo Alas. Actually hindi pa naman ganun katanda si Lolo Alas para makalimot siguro mga nasa fifties pataas lang ang taon niya.

Dahil nasa kabilang side ako tumawid pa ako para maharap si Lolo Alas na bumati saakin. Mag mamano sana ako pero pinigilan niya ako dahil marumi daw ang kanyang kamay kakawalis.

Her Cold HeartWhere stories live. Discover now