#HCH22

29 3 0
                                    

#HCH22

I saw how Kielso face surprised on what he heard. 

"Si Hiago? Yung mas bata saatin Laiseya?"

"Yes,"

Umiling siya na hindi makapaniwala. 

"Ang bata pa nun Laiseya para patulan mo!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano naman ngayon, anong gusto mong sabihin na hindi pwede dahil mas bata siya?"

Hindi siya umimik kaya nagpatuloy ako.

"Pero pag kayong mga lalaki naki pag relasyon sa mga mas batang babae sainyo pwede, ganun? That's..unfair."

Hindi nakasagot si Kielso, tahimik din sa tabi ko si Marian na kumakain pa din ng chips. Dumating si Victor na walang kaalam alam sa nangyayari at niyaya niya si Kielso na pumunta sa may kubo. Nagpahila si Kielso kay Victor. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makarating sila sa may kubo.

Kielso looked disapointed on what I've said. Hindi ko alam kung anong ikinaiinit ng ulo niya. Ang pagpapatol ko ba sa mas bata saakin, kay Hiago?

Nakatingin pa din ako kay Kielso sa malayo. Nakita kong may babaeng lumapit sakanya pagka akyat niya palang ng kubo, pinulupot nung babae ang kanyang braso kay Kielso na iritadong namang tinanggal ni Kielso yun saka naupo, hindi tumigil ang babae, sinundan niya parin si Kielso at tinabihan.

"That's his ex girlfriend." ani Marian, tinitignan din ang gawi ni Kielso.

Nagtataka kong ibinaling ang tingin kay Marian, paano niya nalaman na ex girlfriend ni Kielso yun. Bago pa ako magtanong inunahan na niya ako.

"Sinabi ni Anne kanina. Kaya din nandito grupo nila instead of hiking kasi may balak daw silang pagka ayusin sila."

"I hope they get back together." bulog ko para hindi na rin maging bitter si Kielso. Kaya siguro siya nagiging bitter dahil kabrebreak lang nila ng ex niya.

"Parang malabo Laiseya, I think Kielso really likes you."

"May boyfriend na ako Marian." pag papaalala ko sakanya.

"Oo na! Tingin ko naman walang magloloko sainyong dalawa ni Hiago, siguro kung meron man ikaw yun!"

Masama kong tinignan si Marian habang natatawa. 

"Siraulo ka! Hindi mangyayari yan!"

"Talaga lang ah! Bilis mag bago ng emotions mo! From badtrip to goodtrip! Basta may Hiago sa usapan napapangiti at tawa ka ng wala sa oras!" she teased.

I just rolled my eyes that only makes her laugh. 

Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit ang bilis magbago ng emostions ko, dahil ba bago lang kami ni Hiago kaya napapangiti ako bigla bigla o dahil malakas talaga epekto niya saakin.

Bumalik kami sa paglalangoy kahit na minsan napapatigil at isip ako sa mga kinilos kanina ni Kielso. Nakaupo ako sa balsa habang ang mga paa ko ay nakababad sa tubig, gumalaw ang balsa ng makalapit sa gilid ko si Marian at hinawakan yun.

"Mukhang badtrip si Kielso, hindi na makausap at umiimik."

"Bakit? Ayaw ba niyang makipagbalikan sa ex niya?"

Nagkibit balikat lang si Marian. 

"Feeling ko, kaya din siguro badtrip kasi yung mga kaibigan kasi ng ex niya hindi na siya tinigilan o di kaya..." natigil siya, nagtaas baba ang kilay niya. "badtrip pa rin siya dahil may boyfriend ka na."

"Ewan." I said without thinking. 

Hanggang ngayon kasi hindi parin ako makapaniwalang gusto ako ni Kielso, I mean sinabi niya noon na hindi niya ako tipo. Kaibigan lang talaga ang turing ko kay Kielso, wala ng hihigit pa dun.

"Mag di-dive na ako." sabi ko kay Marian habang bumaba ng balsa. "Dive ka din?"

Mabilis siyang umiling, halatang takot. 

"Hindi dito lang ako!"

Nakangiti akong iniwan siya saka lumangoy at umahon malapit sa malalaking bato. Sinimulan ko na din ang pag akyat sa mga naglalakihang bato. Medyo madulas kaya napakahawak ako ng mahigpit.

"Laiseya kumapit ka ng mabuti!" sigaw ni Marian sa ibaba habang nakatingala saakin. "Tumalon kana diyan wag na sa pinakataas!"

Hindi ko siya pinakinggan, nagpatuloy parin ako sa pag akyat hanggang sa marating ko na ang medyo tuktok ng falls. Napasinghap ako ng makitang sobrang taas ng tatalunin ko, mas mataas pa sa tinatalon ng mga kasama naming nandito kanina.

"Go Laiseya!"

Pumikit ako at ramdam ko na ang kaba, huminga muna ako ng malalim bago inihanda ang sarili sa pag talon. Itinaas ko na ang dalawa kong kamay saka bumwelong tumalon.

"Wooohhh!"

Sakto lang ang bagsak ko sa malamig na tubig, narinig ko pa ang mga halakhak nina Marian na tuwang tuwa sa pag landing ko, lumangoy ako papunta sa medyo mababaw pero natigil ako ng may humarang na katawan sa nilalanguyan ko.

Mabilis kong iniahon ang sarili saka tumayo ng maayos, hanggang dibdib ko na ang tubig ng hinarap ko si Kielso na topless na ngayon na nakaharang sa harapan ko.

"Ayos ka lang? Ang taas ng tinalon mo," mahina niyang tanong na ikinatango ko lang, naamoy kong amoy alak siya kaya umatras ako ng kaunti.

"A-ayos lang," sabi ko ng hindi siya tumabi sa harapan ko para padaanin ako.

"S-sorry kanina hindi ko lang kasi tanggap na may boyfriend kana,"

Kumunot ang noo ko. This is so damn awkward!

"Umiinom kayo?" pag wawala ko sa usapan.

Hindi siya sumagot sa tanong ko, lumapit siya pero umatras muli ako.

"I like you Laiseya," pagtatapat niya.

"Laiseya si Hiago nandito!" sigaw ni Marian sa malayo na ikinalingon ko, Marian is right! 

Aisak Hiago is here!

He was standing right beside of my things while looking at me. Napangiti ako sakanya na ikinakunot noo niya lang.

Aahon na sana ako ng bigla akong naestatwa ng mahigpit akong yakapin ni Kielso. Ramdam ko ang init na nagmumula sa kanyang katawan kaya mabilis akong kumilos para itulak siya.

Hindi siya nag patinag sa tulak ko. "Ano ba Kielso let me go!" iritado kong sabi.

"I really like you Laiseya,"

"Pakawalan mo ko sabi dahil hindi kita gusto!" naprepressure kong sabi dahil alam kong nakatitig na ngayon si Hiago saaming dalawa.

Nabigla si Kielso sa sinabi ko kaya lumuwang ang yakap niya saakin na sinamantala ko para makalayo na sakanya at naglakad para makaahon na.

I heard Kielso chuckled in a low tone.

"I guess I can't win your heart to that damn child anymore."

Ngumiwi ako, ramdam ko ang inis sa mga sinabi niya.

"Absolutely not Kielso,"

Iniwan ko siya doon, nang makaahon ako sinalubong ako ni Marian na hindi na mapakali kung ano ang dapat niyang gagawin o sasabihin saakin. Dumako ang tingin ko kay Hiago na hindi pa rin tinatantanan ng tingin si Kielso.

"Uuwi kana Laiseya?" ani Marian.

Tumango ako at hindi inalis ang tingin kay Hiago.

"Ikaw uuwi kana din ba?"

"Oo sasabay na din ako sainyo, saglit at mag papaalam lang ako kina Anne, mamaya pa daw  kasi sila uuwi, e."

Tumango lang ako bago ako iniwan ni Marian.

Mabilis ang sumunod na nangyari, hindi ako inimik ni Hiago ng makalapit ako sakanya. Nag paalam akong mag papalit lang ng suot na damit kasama si Marian pero ng bumalik ako sakanya ng makapag palit na kami ni Marian hindi pa rin siya umiimik. Tanging tango lang ang mga sagot niya kahit na hindi naman related sa tango ang sagot.

Is he jealous? Bakit hindi niya ako iniimik. 

I think I understand why he's acting like that because I've been there.. I also experienced on how the jealous ate me that time.

TWENTYONE

Her Cold HeartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora