#HCH01

113 3 0
                                    

#HCH01

"Hoy Victor sinong hanap niyo dito?!" sigang tanong ni Kielso, ang isa sa pabida kong classmate. At dahil foundation day ngayon iilan lang kaming nandito sa loob ng classroom.

"Nandito ba si Laiseya Altraza?" rinig kong tanong ni Victor kay Kielso.

Narinig ko ang pangalan ko kaya nagtataka kong sinulyapan sina Victor na may dalawa pang kasama na nasa may dulong bintana na parang may hinahanap sa loob ng classroom namin. Alam ko kung anong kailangan nila saakin! Peste! Isa sila sa mga nag papatakbo ng wedding booth at marahil napag tripan nanaman ako!

"Bakit siya na ba ang isusunod niyong ikakasal ngayon?" si Kielso.

"Oo anu nandito ba siya?!" naiinip na sabi ni Victor.

Sana hindi ako ilaglag ni Kielso! Pero dahil alam kong pabida siya alam kong sasabihin niyang nandito ako kaya dahan dahan na akong tumayo at naglakad papunta sa pintuan ng classroom ng walang ingay.

Malakas na tumawa si Kielso. "Bakit sinong groom?"

"Si Buda ulit sino pa ba? Anu nga nandito ba si Laise—" bago pa matapos ni Victor ang sinasabi niya nahuli na niya akong lumabas ng classroom, mabilis akong tumakbo palayo ng room. Narinig ko pa ang malakas na tawa ng walang hiyang si Kielso na sinamahan pa ng panunukso saakin dahil si Buda nanaman ang groom ko!

"Habulin natin!" sigaw ni Victor sa mga kasama niya, narinig ko na silang mabilis na tumatakbo kaya binilisan ko pa ang pagtakbo ko.

"Tabi!" sigaw ko sa mga studyante ng makadaan sa may mga booths. "Excuse me! Padaan po!" nakikiusap na sabi ko ng makadaan sa may parte ng pinagkakaguluhan na isang booth, horror house ata.

"Ay anu ba!" maarteng sabi pa ng babaeng nabungo ko.

Lumingon ako sa babae. "Ay sorry po!" sabi ko at nag peace sign pa. Tumingin ako sa likuran nung babae at nakita kong hinahabol pa din ako nina Victor kaya tumakbo muli ako papuntang dulo ng hallway kung saan may dalawang daanan.

Mabilis parin ang pagtakbo ko kahit na hinihingal na ako. Tumigil ako saglit bago yumuko at humawak sa tuhod ko. Patay maabutan na ako nito kailangan ko ng mag madali ulit! Hindi ko alam kung saan ako liliko.

Right or Left?

Narinig ko muli ang papalapit na boses ni Victor na sinisigawan ang mga kasama niya kaya nagmadali akong nagtungo sa right side kahit na hinihingal pa.

I smirked, when in doubt always choose the right one!

Mga classroom din ang nandito kaya madali akong makakatago kung sakali! Shit no choice, pumasok ako sa isang classroom ng grade ten na tingin kong bakante dahil nakasarado ang mga bintana at mabilis na sinarado ang pintuan. Hinihingal pa ako bago dahan dahan sinandal ang sarili at umupo sa likod ng pintuan.

Humawak ako sa puso ko at pumikit. Hinihingal pa ako kaya nag inhale exhale pa ako! Dahan dahan kong minulat ang mata ko pero laking gulat ko ng may nakaupong isang lalaki sa teacher table na nagtatakang tinitignan ako! Inilibot ko ang tingin sa loob ng room pero dalawa lang kaming nandito!

Alanganin akong tumayo habang hawak pa din ang dibdib. Tumikhim siya at itinaas ang kanyang isang kilay.

"Anong ginagawa mo dito? Magpapakulong ka?" nagtatakang tanong niya. Sinarado pa niya ang librong binabasa niya bago tumayo sa kinauupuan niya.

Dahan dahan kong inayos ang sarili na parang nahuli ng wala sa oras habang hinihingal pa din. "Patago lang ading kahit five minutes lang!" sabi ko at pinakita ang lima kong daliri habang hinahabol ang hininga ko.

Her Cold HeartWhere stories live. Discover now