#HCH06

48 3 0
                                    

#HCH06

Para akong mauubusan ng pagkain sa mabilisan kong subo sa agahan ngayon dahil medyo nalate ako ng gising, isa kasi ako sa magbubukas ng booth ngayon kaya kailangang maaga ako yun nga lang, nalate na nga ako sa pag gising naunahan pa ako ni Dadang sa banyo ayan tuloy nagmamadali akong kumain ngayon.

"Tirahan mo ng ulam si Dadang Laiseya!" sigaw ni mama saakin na ngayon ay nasa kusina.

Dadang nanaman? Ngumuso ako at parang nawalan ng gana sa pagkain, hindi ko naman uubusin ang ulam! Siguro natakot si Mama dahil nakita niya akong panay ang subo ko.

Dadang dito, Dadang diyan, Dadang doon! Parati nalang Dadang! Siguro nga kulang talaga ako sa aruga dahil minsan nag seselos ako kasi lagi nalang binabanggit ni mama si Dadang. Buti pa si Dadang kahit bata ganito ganyan, sa kakaganun ni mama para ng nakakalimutan niyang anak niya din ako.

I hate comparisons!

Hinahayaan ko nalang alam ko namang wala akong laban sa kapatid kong eight years old pero minsan kapag tinopak talaga ako nangigigil ako. Parang gusto ko nalang lumayas ng bahay. Gaya ngayon.

Pinuno ko ang kutsara ko para isang subuan nalang at ng makaalis na ako dito. "Nasaan naba si Dadang? Nauna pa siyang naligo pero naunahan ko pang bumaba!"

"Daniella!" tawag ni Mama kay Dadang. "Mag almusal ka na at ako ang maghahatid sayo ngayon dahil ang Papa mo nag overtime sa trabaho kaya hindi nakauwi kagabi!"

"Pababa na po!" pabalik na sigaw ni Dadang.

Bago ko pa makita si Dadang kinuha ko na ang pinagkainan ko saka ko hinugasan sa lababo.

"'Oh Laiseya nag mamadali ka? Event niyo lang ngayon ah, sumabay kana saamin ni Dadang pagpasok."

"Ma, hindi na po magtritricycle nalang po ako."

Nakita kong pumasok si Dadang at naupo saka nagsimula ng kumain, ang bagal pa niyang sumubo! Kung hihintayin ko pa sila lalo akong malalate, sa tagal ba namang kumain nitong si Dadang!

Namewang si Mama sa harapan ko. "Sumabay kana Laiseya, ang tigas nanaman ng ulo mo."

"Hindi na po mama, next time nalang po ako sasabay isa kasi ako sa mag aasikaso ng booth namin ngayon kaya dapat maaga 'e, na late ako ng gising at kung hindi lang ako naunahan ni Dadang sa banyo kanina edi sana—"

"Aba'y late ka nagising kaya naunahan ka nitong si Dadang kasalanan mo na yan Laiseya wag mong isisi sa kapatid mo."

Here we go again, Dadang win the side of Mama eventhough Dadang didn't do anything. Ayaw ko ng sumagot dahil alam ko na kung anong kahihinatnan nito sa huli. Nagpunas ako ng kamay saka kinuha ang bag sa inupuan kanina.

"Opo pasensiya na po, aalis na po ako."

Dirediretso akong nagmartsa palabas ng bahay saka nag abang ng tricycle na parating, mabagal ko pang pinagsisipa ang mga batong nasa harapan ko dahil sa inis.

Hanggang sa nakarating ako ng school hindi nawala ang pagkabadtrip ko. Dumagdag pa sa kinaiinisan ko yung akala ko late na ako yun pala aapat palang kaming nandito, nasan ang iba kong mga kaklase?!

"Talagang ngayon pa sila aabsent kung kailan last day na ng foundation?!" maktol ni Marian. "talagang isusumbong ko sila kay Mrs. Asdel!"

"Kulang pa tayo ng ingredients para sa shawarma, wala na din tayong fries!" si Joaquim.

"Anu bayan! Hindi ba chineck ng mga naka assign kahapon bago sila umuwi?" si Marian.

Speaking of kahapon, yung akala kong mapapadaan si Hiago dito sa booth namin hindi nangyari sayang inabangan ko pa naman ang pag dating niya pero hanggang after lunch akong nagbantay sa booth walang Hiago na dumating, ililibre ko pa sana siya.

Her Cold HeartWhere stories live. Discover now