#HCH15

44 3 0
                                    

#HCH15

Pinagaan ko muna ang aking pakiramdam bago mag desisyon na sumakay na sa tricycle. 

Kahit hirap pa dahil kagagaling ko lang sa pag iyak pinilit ko talagang ngumiti nang makitang nakatayo na si Hiago sa tapat ng bahay nila, halatang may hinihintay siya dahil nakabulsa ang isa niyang kamay at abalang abala si sa kanyang cellphone.

Tinignan ko ang cellphone ko at nakitang may mga mensahe nga siya doon. Yung bagong dating lang ang binasa ko na tinatanong niya kung gising na daw ba ako kasi di pa ako nag tetext sakanya.

Hindi ko ineexpect na hihintayin niya din pala talaga ako kahit na super late na. Lagi kasi siyang sumasabay saakin pag pasok ng school na nakasanayan ko na din. Palagi niya akong hinihintay sa labas ng bahay nila tapos sasakay lang siya kung ako na ang makikita niyang laman ng tricycle. Iba ngayon dahil ngayon lang ako nalate.

Pinatigil ko ang sinasakyan kong tricycle sa tapat ni Hiago saka ko siya tinawag.

 Kumuno't ang noo niya ng masilaw siya sa sinag ng araw, kitang kita tuloy lalo ang pag ka hazel brown na pares ng mga mata niya.

"Hi kanina kapa? Sorry medyo late ng gising." sabi ko sakanya, umurong ako pa kaliwa para makaupo na siya sa tabi ko.

"Late kana kasi natulog,"

"Oo nga 'e dami ko kasing tinapos na inaral kagabi."

Naramdaman kong nakatitig siya saakin kaya pinag dikit ko ang labi ko saka inabala ang tingin sa harapan. Shit! Hindi ako makatingin sakanya pag ganito siya kasi pinag aaralan niya ako!

Sana lang wala siyang mapansin pero napaigtad ako sa kinauupuan ng maramdaman ko yung daliri niyang napahawak sa pisngi ko na parang may inaalam.

"Umiyak ka? Maga mata mo." aniya, tinanggal niya din ang hawak sa pisngi ko sa umusog pa ng kaunti saakin para mag dikit ang mga balat namin sa braso.

Hinarap ko siya. "Hindi ah! Kulang lang sa tulog," pag mamaang maangan ko dahil bago ako sumakay ng tricycle sinigurado ko talagang hindi maga mga mata ko para hindi niya mapansin.

"Tss, iyakin."

I smiled. He already know it at kahit na anong tanggi kong hindi ako umiyak alam kong alam niyang umiyak talaga ako!

"Oo na! Ayan na 'oh." natatawang sabi ko, inilapit ko ang mukha ko sakanya saka nilakihan ko pa ang mga mata ko.

Ngumisi siya saka hinarang ang isa niyang kamay sa mga mata ko. 

"Sige mapuwing ka,"

I quickly stucked my tongue out. Kinuha ko ang kanyang kamay saka ipinulupot yun sa braso ko.

"Medyo may hindi lang ulit kami pag kakaintindihan ni Mama kanina." mahina kong sabi. 

Lumipad ang ilang buhok ko sa mukha ko at tinulungan niya akong tanggalin yun, iniipit niya yun sa tainga ko.

Ngumuso ako at tinignan siya kitang kita sa mga mata niya ang pag aalala saakin kaya ginalaw ko ang magka dikit naming braso. "Anu kaba, nag aalala kaba? Masasanay din siguro ako, soon. Saka kahit ganun si Mama mahal ko pa din yun."

"Hindi ka naman masasaktan kung hindi mo mahal," he said after nodding his head a bit.

Bumitaw ako sa mga braso namin saka mahina siyang tinapik. "Wow hindi ko ineexpect yan sayo 'ah! Banat yun diba! Oo banat nga yun!" natatawa ko pang sabi sakanya na mahina din niyang ikinatawa.

"Tara na," aniya saka kinuha niya muli ang kamay ko, di ko napansin na nakatigil na pala ang tricycle sa harap ng school.

 "Dahan dahan lang ang pagbaba mo baka mauntog ka nanaman," aniya habang inaalalayan niya ako palabas ng tricycle, bumitaw siya saakin saka nag bayad ng pamasahe namin.

Her Cold HeartWhere stories live. Discover now