#HCH24

18 3 0
                                    

#HCH24

Para akong binuhusan ng malamig na tubig! What the... What did he say? Tama ba ang rinig kong sabi niya na Mama as in Mama niya?!

Ako naman na ngayon ang umayos ng upo, tinanggal ko na din ang kamay kong nakahalukipkip.

Shit!

Tumikhim ako pero parang hindi ko pa rin nahahanap ang boses ko.

"Mama?" I mouthed back to Hiago.

He nodded. Tumayo siya saka lumapit saakin, inuusog niya ang legs ko para makaupo siya sa tabi ko. Tinanggal muna niya ang earphones sa telepono niya saka pinagpahinga niya ang kanyang kamay sa hita ko.

"Ma, si Laiseya Altraza girlfriend ko."

Lumabi ako, dalawa na kami ni Hiago ang nakikita sa camera, kitang kita ko din kung paano ako suruin ng Mama niya habang nakangiti, napa straight tuloy ako ng upo habang hindi pa rin makapaniwala sa nakikita.

Sobrang bata pa talagang tignan ng kanyang Mama, as in dalagang dalaga at kung hindi pa sinabi ni Hiago na mama niya to baka hindi ko na napigilan ang sarili kong awayin si Hiago sa harapan niya kanina.

I can't believe I let my thoughts ate me again!

"Hi po 'ma," wala sa sarili kong sabi, hindi pa rin mapakaniwala sa nakikita. Napatakip ako sa bunganga ko ng pumasok sa isipan ko ang nasabi.

"Ahh..I mean..Tita po, Hi po Tita Astrid!" pagbabawi ko.

Humagikgik si Tita Astrid habang nakangisi si Hiago sa tabi ko.

"Nice to finally meet the only Laiseya Altraza who's always keep mentioning of my son and Papa."

"N-nice to meet you din po Tita Astrid," nahihiya kong sabi saka tinapik ang legs ni Hiago sa gilid.

"Naalala kong nabanggit ka ng anak ko noon na may nagpunta daw na crush niya noon diyan sa bahay, tignan mo naman ngayon girlfriend na ang pakilala sayo!" parang teenager na kinikilig na sabi ni Tita.

Sumulyap ako kay Hiago at nilakihan siya ng mata, nahihiya ako sa mama niya dahil nababanggit na pala niya ako kay Tita Astrid matagal na bago pa ako umamin ng feelings sakanya.. so I really got his attention that time tapos panay pa ang tanggi niya.

"Hindi pala crush 'ah!" I teased Hiago.

Hiago only grinned while starring at me.

"She's beautiful right? She's kind too Ma,"

Natigil ako, I felt my cheeks blushed. Hinarap ko ang Mama niyang hindi na natanggal ang ngiti sa sinabi ng kanyang anak.

"She is."

"I told you Ma," ani Hiago na parang sobrang proud na proud.

Sobra naman puri ang naririnig ko, hindi na tuloy ako makatingin sakanila,

"Hala.. nahihiya na ako!" sabi ko, hindi na mapakali sa kinauupuan, hindi ko alam ang gagawin aalis ba o ano..tinapik ko ang kamay ni Hiago na nasa hita ko.

I heard him chuckled, ha! tuwang tuwa siyang makita akong natataranta!

"Nahihiya na siya Ma," Hiago said while clasped my hand.

"Totoo kaya, you're really pretty Laiseya!"

"Kayo nga po diyan Tita Astrid ang ganda niyo din po! Parang ka-age niyo nga lang po kami ni Hiago!"

Tumawa si Tita Astrid at Hiago sa sinabi ko.

"Ha? Itong mukhang to," ani Tita at tinuro pa ang mukha niya habang natatawa. "matanda na ako!"

Her Cold HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon