#HCH00

132 3 0
                                    

#HCH00

"Manong sa tabi nalang po!" sabi ko sa driver ng tricycle.

"Wala pa to sa school." aniya

"Opo! Patabi nalang po!" nang matabi ng driver ang tricycle dali dali kong inabot ang bayad at naglakad pabalik upang mapuntahan ang tindahan na kinaroroonan nila Hiago.

"Ano Hiago sasama ka mamaya?" rinig kong tanong sakanya ng isa nilang kasama.

"Pass." tipid na sabi nito.

Alam kong nagyoyosi ang ilan sa mga kasama niya dahil sa mga usok na nakikita ko na ikina-iling ko. Buti nalang hindi ko nakitang may hawak na yosi si Hiago kundi lalo lang madadagdagan ang inis ko sakanya.

"Ang daya nitong si Hiago lagi nalang tumatanggi!" rinig ko pang sabi ng isang babaeng kasama nila at pinulupot pa ang kanyang braso sa braso ni Hiago.

Hindi iyon sinagot ni Hiago at tinanggal ang kamay ng kasama nilang babae sa kanyang braso. Pinilit pa siya ng iba pa nilang kasama pero natigil ang ilan sakanila ng makita nila ako.

"Laiseya!" halatang gulat na sabi ni Hiago. Umayos pa siya ng tayo at nag madaling naglakad sa kinaroroonan ko. Nakita kong sinundan pa ng mga kasama niya ng tingin si Hiago na papunta saakin.

Pagod akong ngumiti kay Hiago ng makalapit siya. Hinaplos niya ang pisngi ko na parang may tinatanggal siyang luha doon kahit wala naman na.

"You cried," aniya hindi inaalis ang tingin sa mga mugto kong mata. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pinaghalong takot at pag alala.

"Uh, wala kayong klase?" tanong ko, iniwas ko ang aking mukha mula sa kanyang paghaplos.

"Wala pa medyo maaga pa."

Tumikhim ako. "Uh.. about last night—"

"Save it. We're not gonna talk here."

Iniwas ko ang tingin ko sakanya at ibinababa iyon sa aking pulso na ngayon ay hawak na niya, hinila niya ako paalis doon. Nauuna siyang naglakad habang tahimik lang akong nakasunod sakanya. Narinig ko pang tinawag siya ng mga kasama niya na naiwan ngunit hindi niya iyon pinansin pa.

Alam ko kung saan kami papunta. Daan ito sa likod ng school. May gate din doon na pwedeng pasukan ngunit isinarado na ata yun ngayon dahil wala namang dumadaan doon.

Tumigil kami sa may waiting shed na pinalilibutan ng mga naglalakihang puno. Pinaupo niya ako doon at tumabi siya saakin. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan iyon. Narinig ko siyang mahinang nagmura ng maramdaman ang malamig kong kamay, hinawak hawakan niya iyon na para bang binibigyan niya ng init ang mga kamay ko.

Hindi ako umimik at pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya sa aming mga kamay. Umihip ang pang umagang hangin at tanging iyon lang ang naririnig ko at ang mga dahon na hinahangin.

Bumuntong hininga ako at kinuha ang mga kamay ko sa kanya. Gulat siyang tumingin saakin dahil sa ginawa ko.

"Pwede ba Aisak Hiago don't act as if we have no problem here!"

Iniwas niya ang tingin niya saakin at pumikit ng mariin, halatang nagtitimpi. "Bakit ka umuwi ng Paydaian? Akala ko ba busy ka? Bakit ka nandito?"

Natawa ako dahil sa pagkairita. "Really? You're asking that to me? Hindi ba dapat ako ang magtanong sayo, anong pinag gagawa mo? Umagang umaga makikita kitang nandun sa tindahan with your "friends"..smoking?!"

"I'm not smoking!" matigas niyang sabi.

Hindi ko siya pinakinggan. "Ito ba?! Ito ba ang dahilan kung bakit may posibilidad na hindi ka maka graduate?! Hiago anong nangyayari sayo!"

Her Cold HeartWhere stories live. Discover now