#HCH11

33 3 0
                                    

#HCH11

"Thank you for what?" Hiago asked curiously.

"Wala I just want to say Thank you."

His thick eyebrows furrowed. "What's wrong? Why are you crying?"

Mabilis ko siyang binigyan ng iling saka suminghot at pinunasan muli ang aking mga mata.

"Ayaw mo ba ng mga yan? Hindi naman kita pinipilit kung ayaw mo niyan," he softly said.

Bigla akong natawa doon. "Gusto ko ano ka ba! Ang sarap nga tignan ng mga niluto mo."

He clicked his tongue while I bit my lips and smile to him.

"May hindi lang kami pag kakaunawaan ni Mama kanina. Naalala ko ulit kasi dahil sa walang hiyang milo na yan! D-dahil diyan nag simula yun. Ang babaw lang no?"

Hindi siya umimik. Nagumpisa siyang galawin ang kanyang kutsara at plato. Nilagyan niya muna ng ulam yung plato ko bago yung kanya.

"I don't blame Dadang for getting my milo but the words that mama said earlier," tuloy kong sabi at umiling. "medyo nakakabigat lang ng pakiramdam."

"I'm sorry to hear that,"

"Ayos lang ano kaba. Hindi mo naman kailangang magsalita or mag comment, makinig ka lang ayos na. Medyo gumaan na din naman pakiramdam ko." sabi ko at ininuman ang bigay niyang baso na may laman na milo.

I heard him sighed. "Sometimes you also need to share what you feel para hindi mo dala dala lalo na kapag mabigat. Don't worry Laiseya I will never get tired listening."

Natigil ako sa pag inom at tinignan siya. "Are you sure?"

He nodded. "Yeah,"

"You always see me crying, ngayon saka kahapon." bahagya pa akong natawa. "Wala pa nga atang isang araw yun. Hindi kaba naiirita?"

His forehead creased. "I'm not. Why would I?"

"Malay ko bang judgemental kang bata ka." I said without thinking.

"Anong bata ka diyan," he said with a bit irritated tone.

"Joke!" pag babawi ko. ''Oo na, mas mature ka nga saakin 'e. You always have wisdom of thoughts."

"Wisdom of thoughts?"

"Oo mga pag papayo mo saakin. Malaking tulong din yun para mapagaan loob ko. Nagpapasalamat nga ako dahil nakilala kita."

"I'm not doing anything."

Talaga ba? Kung sakanya wala lang yun pero saakin sobrang laki na ng halaga ng not doing anything niya. His presence really helps to lighten my mood. Tama siya nakakatulong nga minsan ang magsabi.

Buti nalang lagi siyang nandiyan para tulungan ako since the very first time I met him at hanggang ngayon na handang samahan ako at makinig sa walang kwentang bagay.

"Pakikinig mo palang ayos na."

Hindi siya umimik. Tanging tunog lang ng plato at kutsara ang naririnig ko.

"Laiseya," maya mayang tawag niya saakin.

"Uhm?" sabi ko dahil kakasubo ko lang ng isang punong punong kargang kanin at ulam sa kutsara.

"Look at me,"

"B-bakit?"

I looked at him. His hazel brown eyes with thick eyelashes is now starring at me with some admiration or some adoration? I don't kniw. I can't figure it out. Parang may gustong ipahiwatig ang mga mata niya.

Her Cold HeartWhere stories live. Discover now