#HCH02

94 3 0
                                    

#HCH02

"Laiseya dalawa pang fries dito!" ani Marian, ang kaibigan ko. Naatasan kasi kami ngayon dito sa booth na magbabantay.

"Magbayad muna po kayo bago alis ha!" sigaw pa niya. "Laiseya itong si Tope kulang daw ng isang fries pa bale tatlo daw inorder niya!"

Hala! Ang dami naman! Nagkamot ako ng ulo, hindi alam ang uunahin. Kung bakit pa kasi kami natapat sa lunch break yan tuloy ang daming bumibili ngayon.

Ibinigay ko kay Marian yung dalawang fries saka binalingan ko si Tope. "Bakit naging kulang yan? Tatlo yan kanina ah?" sabi ko, handa ng makipag away.

Lumapit siya saka ipinakita niya yung mga order niyang nasa paper bag may dalawang shawarma doon at dalawa ding fries may hawak pa siyang isang palamig.

Ngumiwi ako at nag peace sign. "Sorry Tope nalito lang siguro ako! Ito na yung isa mong fries.!''

"Next!" sigaw ko. Sumunod ang susunod na bibili namilog ang mga mata ko ng makita si Victor na seryosong nakatingin saakin.

"Pabili," aniya sinusuri ako. "isang shawarma, dapat libre na ang palamig napagod kami kakahanap at takbo kanina!"

Natawa ako. "Marian isa daw shawarma! Wala ng libre ngayon, hindi ko na kasalanan yun kaya walang libre!"

Binigay ni Marian yung shawarma na order niya saka siya nag bayad. "Mamaya ka." banta ni Victor bago umalis.

Tumawa si Marian ng marinig niya yung banta ni Victor. "Dapat hindi kana tumakas wala naman pinagkaiba ikakasal at ikakasal ka pa din kay Buda!"

"Hindi ako mag papakasal kay Buda ngayon!"

"Parang nasabi mo na yan yearly, pero ano kinasal pa din kayo!" pang aasar pa niya.

"Tse! Buti ka nga kinasal sa crush mo kanina!"

Humagikgik siya. "Sabi ko naman kasi sayo sabihin mo na kung sino crush mo para ilista ko name niyo sa wedding booth, 'oh kahit ako na mag babayad!"

Ngumuso ako. Wala naman kasi akong crush ngayon. Last na nagka crush ako last year pa yun saka grumaduate na kaya wala na din, so useless din.

Naging abala kami ni Marian kakatinda at luto sa booth namin. Nang dumating ang papalit saamin naupo kami at nag pahinga. Kumuha pa kami ni Marian ng fries at palamig upang kainin. Nasa kalagitnaan ako ng pagsubo ng fries ng may pumosas sa kanan kong kamay.

Kinabahan ako. May alam na ako kung ano ito. Tiningala ko kung sino yung nag posas saakin, akala ko si Hiago pero iba pala.

"Bakit niyo pinoposasan si Laiseya?!" nagtataka pero may halong natatawang sabi ni Marian.

"Ikukulong namin siya." sabi ng pumosas saakin.

"Wow bago to ah! Anong booth niyo?" ani Marian at sumubo pa ng fries.

"Presinto, napag utusan lang kami."

"Ngayon ko lang nalaman na may booth palang presinto," bulong ni Marian sa hangin. "anyways, bakit anong kasalanan ni Laiseya bakit daw siya ikukulong?"

"Pagnanakaw." sagot ng pumosas saakin.

Mabilis akong umiling. "Wala akong nininakaw ah!"

"Sa presinto ka nalang mag paliwanag." aniya at pinatayo na nila ako.

"Hoy patapusin niyo munang kumain si Laiseya!" sigaw ni Marian ng mahila na nila ako.

"Marian! Ilabas mo ako sa presinto ha!" madrama kong sabi kunware naiiyak pa ako.

Tumawa siya at pekeng nagpunas ng luha. "Wala akong perang pang laya sayo pero hahanap ako ng paraan!"

"Marian!" sigaw ko.

"Laiseya!" balik sigaw niya.

Narinig kong may mga nagsitawanan sa paligid namin nakita at naring yung dramahan namin kaya yumuko ako para takpan sana yung mukha ko. Joke-joke lang naman kasi namin ni Marian yun di ko naman alam na may nanonood na pala.

Hinayaan kong hilain nila ako papunta sa may grade ten na classroom. Tinignan ko yung lalaking pumosas saakin kanina. "Sinong nag papresinto saakin?" tanong ko.

"Si Hiago." sagot niya na ikinangisi ko. Talaga lang ha, ang batang yun!

Nakarating kami sa pamilyar na presinto na pinang galingan ko kanina. Wala paring tao doon bukod sa pamilyar na tao na naka sandal na Hiago sa may teacher table habang nakahalukipkip pa.

"Paupuin niyo." utos niya sa mga kasama niya. Pinaupo nila ako sa harap ni Hiago.

Tinanggal niya ang pagkakahalukipkip ng kanyang kamay at inilahad niya yun sa harapan ko. Nagtataka ko siyang tinignan saka ang mga kasama pa niya na pinapanood kami.

Hindi ko alam anong gagawin ko! Bakit siya nag lahad ng kamay sa harapan ko? Tatangalin niya na ba yung posas sa kamay ko? Ah, siguro nga.

Walang alinlangan kong inilagay yung nakaposas kong kamay sa palad ni Hiago na nakalahad. Nakapatong tuloy yung dalawa kong kamay sa isang palad ni Hiago. Tumawa ang mga kasama ni Hiago na ikinataka ko.

"Bakit?" tanong ko pa. Umiling lang sila at halatang nag pipigil ng tawa, tinignan ko si Hiago na natatawa na din.

Nang makuha ko kung ano yung tinatawanan nila nagmadali kong tinanggal yung kamay ko na nakapatong parin sa kamay ni Hiago. Pilit akong tumawa, para hindi awkward. "Ay sorry akala ko tatanggalin na niya yung posas 'e."

Tumawa ulit yung mga kasama ni Hiago.

"Isang oras pa bago tatanggalin yan."

"Huh?!" tinignan ko si Hiago na tamad ng nakatayo habang nakangiting tinitignan ako.

"Pinakulong kita," pag aamin niya. "may kasalanan ka."

"Ano namang kasalanan ko sayo?" tanong ko kahit na alam ko na yung ginawa kong kasalanan.

"Pagnanakaw,"

"Oi Hiago wala akong ninanakaw sayo ah!" pagkukunwari ko.

"Meron daw," sabat nung kasama niyang pumosas saakin kanina. "yung puso niya daw!"

Naghiyawan sila at inasar-asar kaming dalawa ni Hiago. Nanahimik ako dahil nang init yung pisngi ko. Sinulyapan ko si Hiago na nanahimik din at hindi na makatingin saakin. Wait..crush niya ako?!

"Isn't obvious? Crush ka niya ate Laiseya!" Naghiyawan muli sila.

"Shut up Ackous!" saway ni Hiago.

Sinulyapan ko ng nakangisi yung pumosas saakin na Ackous pala ang pangalan. "Weh totoo crush ako ni Hiago?" paninigurado ko.

Hindi ako sinagot ni Ackous dahil busy siya kakaasar kay Hiago na sinabayan pa ng paghiyaw ng iba pa naming kasama.

"Oi Ackous!" tawag ko na ikinatigil niya at natatawa pa. 

"Oo nga ate Laiseya, hindi naman magpapapresinto yan kung hindi mo ninakaw puso niyan!"

"Sus! Ang lakas ng trip niyo!" sabi ko pa na ikanailing ni Ackous.

"Totoo nga ate Laiseya. Makaalis na nga dito, madami pa kaming huhuliin." aniya tinignan muna niya si Hiago ng nakangisi bago naglakad. "Tara na!" aya niya sa iba pa nilang kasama na sumunod din sakanya. Inasar pa nila si Hiago bago mag paalam at iwan kaming dalawa ni Hiago.

Tiningala ko si Hiago na ngayon ay nakatayo pa rin sa harapan ko. Hinanap ko yung mga mata niya pero hindi siya makatingin saakin.

Humagikgik ako. "Totoo ba crush mo ako?"

Hindi siya umimik, nag lakad siya at kinuha yung librong kanina pa niya binabasa saka naupo na sa teacher's table.

"Crush mo ko Hiago?" nakangisi kong ulit sakanya.

Binuklat niya yung librong hawak. "Hindi nga Laiseya."

"Laiseya? Walang ate? Ate Laiseya dapat! Sus iisipin kong crush mo talaga ako niyan!" sabi ko na malakas kong ikinahalakhak.

TWENTYONE

Her Cold HeartWhere stories live. Discover now