#HCH20

35 3 0
                                    

#HCH20

Nanatili kami ni Hiago sa labas ng gate, nanuyo na din ang mga luha ko sa pisngi. Inaya ko siyang pumasok sa loob pero tinangihan niya yun. Naikwento ko na din ang naging usapan namin ni Papa at nasabi ko na din sakanyang paniguradong papayag si Mama sa gusto ni Papa.

Nasa akin nalang talaga ang huling desisyon kung papayag ba ako o hindi.

"Tanggapin mo.." basag niya sa katahimikan namin.

"H-huh?"

"Nabanggit mo noon na gusto mo pang makapag aral ng college diba? Take it, Seya."

"P-pero.."

"I know you have a dream to reach, fulfill that Lai."

I can't believe I'm hearing this from him. Hindi ba niya maiisip na mapapalayo ako sakanya, dito sa Paydaian. Malayo ang Paydaian sa Manila, it takes four to five hours to travel!

Hindi ako umimik, niyakap ko ang sarili ng maramdaman ang lamig ng medyo umihip ang hangin.

"Nasaan naba ang Laiseya na nag sasabing gustong maabot ang mga pangarap na sinasabi niya pero parang ang layo abutin. Ito na yun Seya, this is the time to start and reach your dream, nasa harap mo na kukunin mo nalang."

Napangiti ako sa sinabi niya. Lagi talagang may point mga sinasabi niya. He will never be Hiago the smart without his wisdom of thoughts.

Unti unti akong nalinawagan sa mga sinabi niya.

"Oo na, pero sasabihin ko muna kay Mama, malay natin maging strict at ayaw akong paalisin ng Paydaian." natatawang sabi ko kahit sobrang labo talaga.

Hindi siya umimik sa gilid ko. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang mixed bouquet of white and red roses na malaking naka ribbon din ng kulay white, kanina pa pala niya hawak yun pero ngayon ko lang napansin.

"Para saakin ba yan?" nahihiya at may tuwang tanong ko, nginuso ko ang hawak niyang bouquet nang hindi niya maintindihan ang sinasabi ko.

Umayos siya sa kinatatayuan niya, parang nakalimutan na yata niya ang pinunta niya dito at wala sa sarili niyang itinaas ang bouquet at inilahad yun sa harap ko. "S-sorry late, Congrats."

Kinuha ko yun ng may ngiti sa mga labi ko saka nag pasalamat.

"Thank you, anyway hindi mo ba alam na birthday ko ngayon?"

Nakita kong may dumaan na pagkagulat sa kanyang mukha.

"B-birthday mo ngayon?" ulit niya.

"Oo, batiin mo naman ako,"

"Sorry ulit..hindi ko alam."

"Ayos lang oa ka! Saka hindi ko din naman nasabi sayo."

"Happy Birthday,"

I narrowed my eyes and slowly a smirk crept on my lips.

I intentionally groaned like an annoyed one. "Paulit naman, yung medyo masayang bati Aisak Hiago!"

He chuckled lowly after he saw my reaction.

"Happy Birthday Laiseya!"

"Yun! Kailangan pang pilitin, 'e," I said while smiling, dala dala ang bouquet na binigay niya lumapit pa ako sa kanyang harapan at sinakop ang natitirang space para matitigan siya ng mabuti. "may gusto sana akong matanggap na regalo galing sayo."

I saw how he curiously looked at me as his left eyebrow lifted.

"Ano?"

Pigil ang pag ngiti ng tanungin ko siya. "Manliligaw ka pa rin ba saakin kahit na nasa Manila na ako?"

Her Cold HeartWhere stories live. Discover now