Tumulo ang mga luha ko, bakit niya sinasabi sa akin ang mga ito ngayon? Para tuloy may tinik na naman sa dibdib ko dahil sa na-alala ko ang mga ginawa niya.

"Hindi ba gusto mo na mawala ako sa bahay at buhay mo? Bakit mo sinasabi ngayon sa akin ang mga bagay na iyan Juaquin?!" kinalas ko ang kanyang mga kamay sa aking balikat at umatras.

"Please, hear me out, please baby." bigla siyang lumuhod sa harapan ko at yumakap sa bewang ko.

"Juaquin! Tumayo ka nga diyan, hindi ako santa para luhuran mo." matabang kong sabi.

Hindi ako pwedeng bumigay basta-basta sa mga ipinapakita niya, paano kung bigla na naman magbago ang isip niya at masaktan na naman ako bandang huli?!

"May upuan sa salas, doon tayo mag-usap." kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin at saka ako dumeretso sa salas.

Kaagad naman siyang sumunod.

"Baby, I just want to say sorry for all the bad things I've done to you, alam ko nasaktan kita ng sobra at hindi ko mababawi iyon sa ganito lang, but i still want to say I am sorry." kaagad niyang saad ng makaupo kami.

"Hindi talaga mababawi o mabubura ng salitang sorry ang ginawa mo sa akin Juaquin." nag-iwas ako ng tingin sa kanya, ayaw kong maawa sa mga ipinapakita niyang emosyon sa akin.

"I- I was so wrong, treating you like that, hurting you, making you feel miserable, but baby believe me I am miserably dying inside while doing that to you." saad niya.

Bigla akong napabaling sa kanya, napakunot ang noo.

"A-anong pinagsa-sabi mo dyan?! Ginawa mo lahat ng iyon kasi ayaw mo sa akin diba?! Bakit sinasabi mo sa akin ngayon yan?!" hindi ko na napigilan ang pagtaasan siya ng boses, naguguluhan na kasi ako sa mga sinasabi niya.

"Kasinungalingan nang sabihin ko sa iyong wala kang halaga sa akin Selena, because the truth is you've successfully made me fall in love with you." nangungusap ang mga mata niya nang sabihin iyon.

Mapait akong napangiti sa kanya.

"Mahal mo ako? Pero sinaktan mo ako at sa harapan ko mismo pinagtaksilan mo ako!" malungkot kong saad.

"I was so jealous and mad." pag-amin niya.

Lalong kumunot ang noo ko. "Kanino ka naman mag seselos?" tanong ko.

"Noong araw na sinabi ko sa iyong sa opisina ka ulit maghapon at ipapasundo kita. Ako ang pumunta sa condo nang araw na iyon to surprise you, pero nadatnan kita sa kwarto hindi mo ako napansin dahil naka head phone ka. I've heard what you said. Na malapit kana umuwi sa kanya, naalapit kana magtagumpay sa misyon mo sa akin, na mahal mo siya at magkakasama na ulit kayo!" nakita ko ang pag-igting ng kanyang mga panga habang nagkukwento siya.

Pumasok sa ala-ala ko ang araw na iyon, kaya pala bigla na labg siyang tumawag na hindi na ako matutuloy sa opisina at kaya pala hindi siya umuwi noon.

At kinabukasan ay doon na talaga nagsimula na mag-iba ang pakikitungo niya sa akin.

Nagselos siya, inakala niyang niloloko ko lang siya! Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o lalong magagalit kay Juaquin.

"Napangunahan ako ng selos at galit noon Selena kaya ako nakagawa ng mga bagay masasaktan ka, again baby I'm sorry. At narito ako para ipaglaban ka, aagawin kita kung may iba ka mang mahal." seryoso niyang sabi.

"Juaquin, patawad pero hindi mo maagaw ang pagmamahal ko sa lalaking iyon." saad ko.

Napayuko siya sa sinabi ko, sinupil ko ang ngiti sa mga labi ko. Gagantihan ko muna siya ng kaunti sa mga ginawa niya sa akin.

Just A Little Bit Of Your LoveWhere stories live. Discover now