Chapter Nine

90.3K 2.3K 68
                                    

"Who is Eliza?"

"Someone who we will never discuss."

"But Violeta, I need to know who she is."

Bumuntong-hininga si Violeta. Alam kong malapit na siyang bumigay sa kakakulit ko sa kanya. Sinadya kong magpahuli at hindi muna umalis sa hapag-kainan. Nakagawian na rin kasi ni Violeta na magpaiwan sa breakfast table upang tapusin ang kanyang pag-inom ng kape tuwing umaga. At nang nakaalis na ang pinakahuling kasamahan ko rito sa bahay, saka ko naman nilapitan si Violeta at umupo sa tabi niya.

Mahigit labin-limang minuto ko na rin siyang kinukulit na ibunyag sa akin ang lihim ni Stephen, ngunit tikom-bibig pa rin ang aming tagapag-alaga.

Uminom muna si Violeta sa kopitong hawak niya bago ako sinagot. "Elizabeth, malaki ang utang na loob ko kay Master Stephen. And I wouldn't betray his trust. Kung hindi niya ipinaliwag sa 'yo kung sino si Eliza, wala rin ako sa posisyon para ikuwento pa sa 'yo ang tungkol sa kanya."

I gave up after that. There was no point in making Violeta talk. Masyado siyang loyal kay Stephen. Ano ba ang ginawa ni Stephan at nakuha niya ang buong tiwala ni Violeta?

Nagpasya na lamang ako na tumuloy na sa Havenhurst University.

Walang masyadong nagbago sa routine ko sa paaralan. Sa umaga ay may mga klase ako. Sa hapon naman ay pumapasok ako para sa leksyon na itinuturo ng Haven Ceres.

I saw my best friend, Jane inside the class room, waiting for me to arrive.

"Jane!" I said, throwing my arms around her, hugging her fiercely. "Ang tagal kitang hindi nakita. Kumusta ka na? Ano na ang nangyari sa 'yo? Okay ka lang ba?"

Isang maliit na ngiti lamang ang iginanti sa akin ni Jane. "Ayos lang ako, Liz. Ikaw?"

"Still alive, unfortunately. I would rather be dead than stay with that creep under one roof!"

Tahimik lang si Jane, nakayuko ang ulo, ang mga mata ay nakatitig lamang sa sahig. Ang dating masayahin kong kaibigan ay nawala na. Sa halip, isang matamlay at walang kabuhay-buhay na babae ang nasa harapan ko. "Jane, what did he do to you?"

Kahit hindi malinaw ang pagkakatanong ko, alam kong alam niya kung ano ang ibig kong sabihin. Umiling lamang si Jane, hindi pa rin ako tinititigan sa mata.

I pulled her hand and led her to the two empty chairs.

Wala pa ang aming guro kaya naman ay kakaunti pa lamang kami sa loob ng silid. I noticed the mixture of atmosphere inside the room. Ang karamihan ay masayang nakikipagkuwentuhan sa kasamahan nila. Ang iba naman ay tahimik, walang kibo at tila parang pasan nila ang daigdig sa kanilang balikat dahil sa mga ekspresyong gumuguhit sa kanilang mukha. Minamaltrato ba sila? Sinasaktan? Ang sitwasyon ba nila ay kahalintulad ng sa akin?

"Liz..."

Muli kong ibinaling ang aking atensyon sa kaibigan ko. "Jane ano ang problema?"

Umiling lamang siya. "Wala naman. Naguguluhan lang ako. Hanggang kailan ba tayo magiging ganito? Magiging... alipin nila?"

Alipin nila. Ramdam kong may pinagdaraanan ngayon si Jane. Ano kaya ang ginawa sa kanya ng bampirang nagmamay-ari ngayon sa kanya? Hinawakan ko ang mga kamay niya. "Sinasaktan ka ba niya?"

"Hindi. Hindi sa ganoong paraan."

Hindi ko maintindihan ang turan ni Jane. Parang may itinatago siyang lihim sa akin. Kilala ko si Jane. Kung pipilitin ko siyang sabihin sa akin ang dinaramdam niya, mas lalong hindi ito magkukuwento. Hihintayin ko na lamang na kusa niya itong ikuwento sa akin kapag handa na siya.

MINEWhere stories live. Discover now