Chapter Eight

91K 2.3K 161
                                    

I heard Stephan groaned in annoyance. "Go away Marcus, or die," banta niya habang naglalakbay naman ang kanyang labi sa aking panga.

Pinilit kong isara ang aking mga binti at itulak si Stephen palayo sa akin, ngunit ayaw niyang tumigil sa kanyang ginagawa.

"Stop... please..." pakiusap ko.

Narining ko ang pagbuntong-hininga ni Stephen at inilayo ang kanyang mukha sa akin at inilabas ang kanyang kamay sa ilalim ng aking damit.

Akmang aalis na sana ako sa kanyang kandungan ngunit hinigpitan ni Stephen ang pagkakahawak niya sa baywang ko. Nakita kong ngumiti nang nakakaloko ang bagong dating na lalaki, na para bang nasiyahan ito sa nakita niya. Matangkad din ito, tulad ni Stephen. Matipuno rin ang pangangatawan, matangos ang ilong, at kahit medyo malayo ito sa akin ay napansin ko pa rin ang kulay ng mga mata nito na gray. Marahil iyon ang nagpapagwapo sa kanya—ang mga kulay ng mata niya. Ngunit nang tinitigan ko siya nang maiigi, para sa akin ay 'di hamak na mas guwapo pa rin si Stephen.

Ngumisi ang lalaking tinawag ni Stephen na Marcus. Biglang namula ang aking pisngi nang napagtanto kong napanood niya ang paghahalikan namin ni Stephen. Yumuko na lamang ako at iniwasan ang tumingin sa kanya. Hinayaan ko na lamang sila na mag-usap.

"Is she the new one you bought in the auction?" tanong ni Marcus.

"Yes," maiksing sagot ni Stephen.

"She looks lovelier up close. Her blood seemed to smell quite delicious. Can I try her?"

Try me? Pinag-uusapan nila ako na tila isa lamang akong gamit o laruan na puwedeng hiramin sa isang kaibigan kahit kailan nito nanaisin. Nasusuklam ako sa mga gawain nila. Binababoy lang nila kaming mga babae.

Naramdaman kong mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Stephen sa aking braso. As if he was becoming protective of his possession. "No," matigas nitong tugon kay Marcus. "You already have your own."

"But you used to share your ladies!" giit pa ni Marcus kay Stephen.

"Not this one, Marcus. She's exclusively mine."

Nagkibit-balikat lamang si Marcus. "Oh well. But if you ever change your mind..."

"What brings you here, Marcus?"

"I told you. May pagpupulong ang mga Elders at Elites. Ipinapatawag tayo ni Lord Havenhurst."

"Ano na naman ba ang problema ni Devon at biglang nagpatawag ng pagpupulong?"

Iniiwasan ko pa ring titigan ang bisita ni Stephen. Narinig ko na lamang ang kaluskos ng paa ng upuan sa sahig, at marahil ay hinila ito ni Marcus upang umupo.

"Hindi ko alam sa bampirang iyon. But I heard it has something to do with the Bloodslaves," sagot ni Marcus.

Bumuntong-hininga si Stephen. "Very well then. You go ahead of me. I will just finish something with my slave before I go."

Pinandilatan ko si Stephen sa kanyang sinabi. Narinig ka naman ang bungisngis ni Marcus. Nakainis silang dalawa. Pareho silang bastos at marumi ang utak!

Nang umalis na si Marcus ay saka ako umalis sa kandungan ni Stephen. Hindi pa nga ako nakalayo sa kanya nang bigla naman niyang hinila nang mahigpit ang aking braso.

"Hindi pa tayo tapos," sabi nito sa akin. "When I come back, I want to find you on my bed, naked, with your thighs open."

Tinitigan ko siya ng masama at binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya. Manyakis talaga ang bampirang ito!

Padabog akong lumabas ng dining hall. Nagulat ako nang nakita kong nasa labas lang pala si Marcus, nakasandal ang likod sa pader, ang mga kamay ay nakasiksik sa magkabilaang bulsa ng kanyang pantalon. Nakangiting-aso ito habang tinititigan ako. Kumindat ito sa akin. Inirapan ko naman siya at nagpatuloy sa paglalakad. Magsama silang dalawang antipatikong manyakis!

MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon