Chapter Four

92.2K 2.5K 55
                                    

I was escorted by madam to a huge mansion on a very exclusive village on the far side of Salvacion.

Bumaba ako ng sasakyan at namangha sa mala-palasyong bahay na bumati sa aking paningin. I should have been used to seeing such grand houses, but it was a house I had never seen before.

Maganda ang mansyon ngunit medyo nakakatakot ang anyo nito. Kahit pa alas-dos na ng hapon ay may malamig na hangin ang biglang dumaan. Ang buong lugar ay napapalibutan ng mga matataas na puno, at sa gitna nakatayo ang mansyon. Kaya naman malamig ang hangin dito.

Luma ang pagkakadisensyo sa bahay na para bang nagmula pa ito sa 18th century London. May mga makakapal na vines pang tumutubo sa gilid ng bahay na nakapit sa pader ng mansyon at gumagapang paitaas.

Sinenyasan ako ni Madam na sumunod sa kanya. Pumasok kami sa loob ng mansyon at nagulat ako na pati rin sa loob ay makaluma ang disenyo. Pakiramdam ko ay isa itong palasyo ng mga prinsepe at prinsesa noong 18th century.

Naglakad kami patungo sa mahabang pasilyo. Ang sabi ni Madam ay dadalhin daw niya ako sa west wing. Ipinakilala sa akin ni Madam si Violeta, ang namamahala sa mga babae ng master.

Mga babae ng master? Hindi ko gusto ang mga salitang iyon. I felt like a high end whore, expensive but still a whore.

Napanatag lang ng bahagya ang aking loob nang pinaaalahanan ko ang aking sarili na hindi naman kasali sa kasunduan ang pagbibigay ng aliw o pakikipagtalik sa kung sino man itong misteryosong master ng pamamahay na ito.

I observed Violeta as she came out of a double-door room. She looked to be in her thirties. Matangkad ito at maganda ang pangantawan. Maganda rin ang kanyang mukha, ngunit istrikto ito kung titignan.

Hinatid naman ako ni Violeta sa aking magiging tulugan. Pumasok ako sa isang kuwarto. Kasinglaki ito ng aking silid sa aming bahay. Nasa isang sulok naman ang aking mga maleta.

Ayon kay Madam Beaufort, mananatili pa rin akong isang estudyante ng Havenhurst hanggang sa grumaduate ako. At bukas na bukas ay papasok uli ako.

Sinabihan rin ako ni Violeta na magpahinga na muna at mamayang gabi ay lilibutin namin ang magiging bago kong tahanan.

Nang iniwan nila akong mag-isa sa kuwarto, dali-dali kong inilabas ang aking cellphone at sinubukang tawagan si Jane. Ngunit nagulat ako nang makita kong walang service o signal ang cellphone ko. Pinutol ang aking post-paid plan. Tumingin-tingin ako sa paligid—walang landline sa kuwarto ko.

Tumayo ako at tinungo ang pinto. Sinbukan kong buksan ito, ngunit naka-lock ang pinto. I let out a sigh of frustration. I was now a prisoner within these four walls. And soon, I would become a slave.

Hindi ko namalayan ang oras dahil nakatulog ako sa sobrang pagod. Narinig kong my kumakatok sa pinto, saka ako bumangon at binuksan ito.

At tulad ng sinabi ni Violeta kanina, ipinakita niya sa akin ang loob ng mansyon. Ngunit ayon sa kanya, ipinagbabawal ang east wing. She said the master of the house stayed there. It was his part of the house. Na intriga ako kung sino ba itong master na tinutukoy niya. Pero ito'y nawala sa aking isipan nang hinatid ako ni Violeta sa isang napakalaking silid kung saan ay may sampung babae ang nagkukuwentuhan at nagtatawanan.

Bigla silang natahimik nang ipinakilala ako ni Violeta sa kanila. Most of them looked at me from head to foot, scrutinizing me with their scowls and glares. I had a feeling they didn't like to add a new girl in the mansion.

Hindi ako nagpatinag at tinitigan ko rin sila.

Iniwan ako ni Violeta at wala akong nagawa kundi ang tuluyang pumasok sa silid at umupo sa isang tabi, habang ang ibang mga babae ay nagsimulang magkuwentuhan muli.

"Hi!"

Nagulat ako dahil may bumati sa akin. Isang magandang babae ang umupo sa tabi ko, at sa tantya ko ay halos kasing-edad ko lamang siya.

"Hi din," turan ko. "Ako nga pala si Elizabeth, pero Liz na lang."

"Ako naman si Megan. Nice meeting you. Pagpasensiyahan mo na sila, ha, kung medyo matataray at masusungit sila kanina. Ganyan talaga sila sa lahat ng bago. Akala kasi nila nadadagdagan ang mga kakumpetensya nila."

"Kompetensya?"

"Oo. Para sa atensyon ng master." Isang ngiti ang namuo sa labi ni Megan na para bang kinikilig ito sa tuwing sasambitin niya o naiisip ang master. Sino nga ba itong master na ito?

"Si Violeta ba ay isang bampira rin? May mga tao rin bang nakatira rito?" tanong ko kay Megan.

"Tao rin si Violeta. Ang mga tagasilbi dito, mga katulong sa mansyon ay mga tao rin tulad natin. Pero may mga tauhan din ang master na mga bampira. Sa may east wing sila nananatili."

"Hindi kayo natatakot sa kanya? Sa isang... bampira? At hindi rin ba kayo natatakot sa tungkulin natin na magbigay ng... ng dugo sa kanya?" tanong ko.

"Hindi. Once you get to see him... Sabihin na lang natin na all of us are half in love with him. He is so handsome. And such a great lover."

"Lover?"

Humagikgik si Megan ngunit hindi sinagot ang tanong ko.

"Lahat ba ng babae dito ay pinagsisilbihn din siya? Kumukuha ng dugo sa lahat?" tanong ko.

"Hindi niya pinagsasabay ang lahat. Minsan isa sa amin, minsan dalawa o tatlo sabay-sabay sa isang gabi. Pero hindi naman siya dumadalaw dito gabi-gabi. Basta, kakaibang experience talaga ang makasama siya."

Hindi ko maintindihan kung bakit tila nasisiyahan pa ng mga kababaihan dito ang pagiging alipin... ang pagiging Bloodslave. Hindi ba masakit ang makagat? Kung ang kagat nga ng aso ay masakit, ano na lang ang sa isang nilalang na sumisipsip pa ng dugo?

"At ang mga regalo niya sa amim, lalo na kapag nasisiyahan siya sa amin, ay walang kapantay. He is generous," dagdag pa ni Megan.

I couldn't believe that these girls were satisfied and contended with their life here. They sold their blood for expensive gifts? Ang akala ko ay lahat kami ay parehas lang na napilitan na pumasok sa isang kontrata dahil sa takot para sa aming pamilya. But how come these girls seemed to shower adoring praises to this vampire?

Hindi ba nakatakot ang mga bampira? Malalakas... Uhaw sa dugo... Mga anak ng diablo... Iyon ang pagkakaalam ko tungkol sa kanila. Ngunit sa pagkakapinta sa mga mukha ng mga babae rito, sa mga mata nila ay mala anghel ang bampirang ito.

I was about to ask Megan why she was not afraid of the vampire master when suddenly the door opened and a man announced in a booming voice, "The master has arrived."

At biglang nagkagulo ang mga kasamahan ko at nagmamadaling tumayo at tinungo ang harapan ng pinto, inaabang ang kanilang master. Nagsipagtilian silang lahat, maliban na lang kay Megan na hindi umalis sa inuupuan nito at nanatiling katabi ko.

Ang totoo, hindi ako umalis sa aking puwesto dahil sa tindi ng kaba at takot na bumalot sa akin. Halos hindi ko maigalaw ang aking katawan sa sobrang takot. Isang bampira, isang totoong bampirang sumisipsip ng dugo ang makakasama ko sa mansyon na ito.

"Good evening, ladies," bati nito.

Tumindig ang aking balahibo nang narinig ko ang baritonong boses na iyon. Pamilyar ito sa akin. Hindi ko nga lang maalala kung saan ko ito narinig.

I tried to crane my neck to get a better view of him, but he was obscured by all the women who were trying to get his attention. Two women stepped aside, revealing his face for me to see. I let out a gasp. He was intently looking at me, as if he knew who I was. His lips suddenly tilted to one side.

Matangkad ito, at matipuno ang pangangatawan. His patrician nose matched the rest of his aristocratic features. His lips formed a smirk while his hazel bown eyes stared back at me with a promise of danger and excitement gleaming in those eyes.

Kilala ko ang mga ngiting iyon. Kilala ko ang mga labing iyon. Siya nga. Siya iyon. At kahit pa natakpan ng maskara ang kalahati ng kanyang mukha noong huli ko siyang nakita, hindi ako maaaring magkamali... Siya ang nakabangga ko noong gabi ng auction. Siya ang nagbitiw ng isang pangako noog gabing iyon. At ngayon ang gabi ng kanyang paniningil.

***

#BloodLustMine

#MaxineLaurelStories

MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon