Chapter Twenty Five (continuation)

56.8K 1.5K 25
                                    

Part TWO of Chapter Twenty Five

***

"Si Stephen! Lenard, si Stephen!" sigaw ko nang nakikita kong pilit lumalaban si Stephen na makatakas sa mga nakapalibot sa kanya. Hindi ko maintindihan—malakas si Stephen, ngunit bakit mas malakas ang mga kalaban niya?

Naramdaman kong hinila ni Lenard ang kamay ko at may nilagay na baril sa palad ko. "Huwag mong kalimutan ang mga itinuro ko sa 'yo. Gamitin mo ito kung kinakailangan."

"Pero Lenard—" Hindi ko naituloy ang mga sasabihin ko dahil nagsimulang magpaputok ng baril ang mga bodyguards na nakapalibot sa akin.

Nakita kong isa-isang sinusugod ang mga kasamahan ko, at dinig ko ang kanilang hiyaw at daing nang isa-isa silang tinamaan ng bala at mga suntok ng kanilang mga kalaban.

"Lenard! Dalhin mo sa ligtas na lugar si Miss Elizabeth!"

Sinimulan namin ang pagtakbo habang pinipigilan ng ibang kasamahan namin na sundan kami ni Lenard. Ngunit sadyang pinaghandaan ng mga kalaban namin ang kanilang ginawang pagsugod.

Pinalibutan kami ng anim na lalaking naka itim na T-shirt at combat pants, katulad ng suot ni Carl noong pinuntahan niya ako sa bahay ni Devon. Sila ba ang mga Hunters na nagtatrabaho sa ilalim ng Order?

Nakaalerto si Lenard, nakatutok ang kanyang baril sa aming mga kalaban. Ginaya ko rin siya at itinutok ang baril sa kanila. Humakbang sila papalapit sa amin at nagsimulang magpaputok si Lenard. Nang isa sa mga Hunters ang humakbang papunta sa akin, ginamit ko ang baril upang depensahan ang aking sarili.

One shot. Two shots. Three, then another and another. I saw blood oozing from the holes my bullets made, but the man still remained standing, walking towards me, taunting me with his evil sneer.

How could it be? Naka bulletproof vest ba ang mga Hunters? But there was blood on his chest! Unless...

Vampires.

Vampires were working for the Order.

Was that even possible?

I never got to answer my own question because Lenard was suddenly attacked. A vampire came out of the sides and tackled Lenard, rendering him immobilized. I saw his attacker's eyes gleamed red with an eerie joy as Lenard tried to struggle to free himself with no avail.

Pinaputok ko ang aking baril sa direksyon nito ngunit wala itong nagawang malaking pinsala sa bampira.

"Tumakbo ka na!" ang naging huling sigaw ni Lenard bago nilapa ng bampira ang kanyang leeg na parang isang mabangis na hayop na kinakain ang laman ng kanyang nahuling pagkain.

I screamed as I saw Lenard died before my eyes.

My fear escalated as I felt a cold, vice-like grip on my arm. Driven by an instinct to live, I crouched low and drew my dagger hidden under my skirt and forcefully sliced my attacker's neck. Only, my strength was not enough to decapitate the vampire. What I did only stirred his anger.

"Bitch!" he grated. And right before my eyes, I saw his gaping skin healed by itself.

He grabbed my dagger and threw it away as another vampire held me from behind.

I screamed. I screeched. I flail and shouted, threw punches anywhere my fists could land. But I was not that strong enough against them.

I felt I was being lifted from the ground, as their laughter mocked my flimsy defense.

The vampire threw me on the ground unceremoniously, like I was nothing but a sack of potatoes. I forced to lift my body from the ground, and I saw a bloodied Stephen being held by several vampires.

"The scum and his whore," a man wearing a long black coat said. "Matutuwa si boss sa ating balita."

"Sinabi mong hindi mapapahamak si Elizabeth!" Pamilyar ang boses na iyon. And I was right. Nakita kong nakatayo si Carl sa tabi ng nakaluhod na si Stephen. "Ang usapan natin ay pakakawalan mo si Elizabeth!"

"Change of plans, Carl." Hinablot niya ang buhok ko upang angatin ang aking ulo. "Utos ni boss."

"Pakawalan n'yo siya. Ako ang kalaban ninyo, hindi siya," narinig kong sabi ni Stephen.

"Lahat ng kakampi mo ay kalaban din ng Order," sagot ng lalaking hila-hila pa rin ang buhok ko.

Sinubukan ni Stephen na kumawala sa mga nakahawak sa kanya, ngunit kitang-kita ko ang panghihina ni Stephen. "Mga bampirang nagtatrabaho para sa Order? Nakakasuka."

Napasigaw ako nang isang suntok ang tumama sa mukha ni Stephen.

"Walang personalan, kamahalan. Trabaho lang," sagot ng bampirang nakahawak sa kanya.

Nagulat ako nang hinila ng lalaking nasa likod ko ang aking buhok hanggang sa napatayo ako. Pinilit kong tanggalin ang mga kamay niya sa buhok ko, ngunit napatigil ako nang naramdaman ko ang malamig na patalim sa tapat ng aking leeg.

"Huwag!" sigaw ni Stephen. "Ano ba ang kailangan n'yo sa amin?"

"Isang impormasyon. At ikaw lang ang makakabigay nito sa amin," sagot nito kay Stephen. "May itinatago ka at gusto namin malaman ang kinaroroon nito."

"Wala akong itinatago sa inyo!"

Mas lalong idiniin ng lalaki ang patalim sa leeg ko. "Sumagot ka ng tama, kundi ay mamamatay ang babaeng ito. Ano ba ang mas mahalaga? Ang buhay ng babaeng mahal mo, o ang impormasyong hinihingi ko?"

Nakita kong nahihirapan si Stephen sa pagsagot. Gusto kong ako ang piliin niya, na sabihin niyang mas mahalaga ako kaysa sa anumang bagay. Ngunit nakikita ko ring malaking bagay ang hinihingi sa kanya, isang bagay na marahil ay makakadulot ng matinding epekto kung isisiwalat niya ang kanyang nalalaman.

Idiniin pa nang husto ng lalaki ang patalim sa leeg ko, at napahiyaw ako nang naramdaman ko ang kirot nang bahagyang bumaon ang dulo ng patalim sa aking balat.

"Sasabihin ko na! Basta pakawalan mo lamang siya!" pakiusap ni Stephen.

Alam kong masasamang tao itong mga nakapalibot sa amin at alam kong gagamitin lamang nila sa pansariling kapakanan ang hinihingi nilang impormasyon kay Stephen. Kaya ginawa ko ang isang bagay na hindi ko inaasahang magagawa ko pala. "Stephen, you listen to me!" sigaw ko. "Whatever they do, don't tell them where it is!"

Isang suntok sa sikmura ang ganti sa akin ng lalaki. "Tumahimik ka!"

"Don't hurt her!"

"Tama na!"

Sabay na sigaw ni Stephen at Carl, ngunit isang sampal sa mukha ang sunod na ibinigay nito sa akin.

Ngunit hindi ako pa rin ako natinag sa pananakit nito sa akin. "Kung sasabihin mo, pangako ko sa 'yo, hinding-hindi na kita mamahalin! Huwag mong hayaang magtagumpay sila!"

"Eh, 'di dalawa kayong mamamatay!" sigaw nito bago ako itinulak sa direksyon ni Stephen.

Napaluhod ako sa harapan ni Stephen at niyakap siya. "Don't let them win," ang huling nasabi ko bago ako nakarinig ng isang putok at naramdaman kong may bumaon sa akin mula sa likuran. Nasundan pa iyon ng isa, at isa pa, hanggang sa napagtanto kong tinadtaran na pala ako ng bala mula sa likuran.

"Elizabeth!" ang huling narinig kong sigaw ni Stephen.

Ramdam ko ang pagbuga ko ng dugo, ang pag-ikot ng aking paligid at ang unti-unting pagdilim ng aking paningin.

Ngayong gabi, alam kong mamamatay ako. At ang huli kong naisip ay kung papaano na si Stephen. Parang bumalik na naman ang nakaraan. Instead of Stephen dying, I was the one destined to die. Alam kong muling babalutan ng galit at paghihignapis ang puso ni Stephen. Mauuwi lang sa wala ang lahat ng aking pinaghirapan dahil sa aking nakatakdang kamatayan.

I tried to form the words 'I love you' but nothing came out as I slowly succumb to darkness. Ngunit bago ako tuluyang binalutan ng kadiliman, a shadow caught my attention. Not far from where we were, I saw someone stepping back behind a darkened corner. But before he was able to conceal himself in the dark, I was able to see his face.

Devon just stood there, watching me dying slowly in Stephen's arms. And the very last thing my mind shouted was "traitor!"


MINEWhere stories live. Discover now