Chapter Twenty One

82.6K 1.8K 26
                                    

Lumundag ang aking puso sa narinig kong sinabi ni Violeta. Stephen has fallen for me? Stephen loved me? Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko, ngunit may kakaibang saya akong nadarama dahil sa mga nalaman ko.

"Papaano mong nalaman na mahal na nga niya ako?" tanong ko kay Violeta.

"I told you I know everything that is happening here," sagot niya sa akin. "Ako ang namamahala sa mansyong ito. Lahat ng mga sikreto, all those gossips and talks, alam ko ang lahat ng iyon. Matagal ko nang kasama si Stephen, matagal na akong nanunugkulan sa kanya. At gamay ko na ang mga kilos niya, ang pag-uugali niya. Pati na rin ang ekspresyon niya ay kabisado ko na."

Muli siyang uminom ng kape bago nagpatuloy. "Alam ko ang tunay na dahilan kung bakit ka narito sa umpisa. It was all for revenge dahil sa nagawa ng kamag-anak mong matagal ng patay. Stephen had never moved on from his sufferings kaya naman ay dala-dala pa rin niya ito hanggang ngayon. But then, siguro ay hindi niya inaasahan na mahuhulog pala ang loob niya sa 'yo. He never expected to fall for you." Tumingin siya sa akin at ngumisi. "Do you have any idea what troubles you have caused within the council of vampires?"

Ako? May ginawa sa kanila? "Wala akong matandaang ginawang kalokohan laban sa kanila, Violeta."

Tumawa si Violeta. "Hindi ko alam kung inosente ka lang o sadyang manhid ka. Dahil sa 'yo ay nagbago ang mga ikinikilos ni Stephen. Nagbago ang mga pananaw niya sa pangalawang buhay niya bilang isang bampira. Alam mo bang may mga batas siyang pilit na ibinabago? Tulad ng pagbubuwag sa kanilang mga Bloodslave contracts. Pilit niyang isinusulong na buwagin na ito dahil may mga bampira raw na inaabuso ang kapangyarihang taglay ng mga kontrata." Umikot ang mga mata ni Violeta. "Kung tutuusin ay siya itong unang umabuso sa kontrata at ginamit ito sa pansariling kapakanan. But who am I to judge him? Kung hindi ba naman ganid sa pera iyang ninuno mo, hindi magkakaganito si Stephen."

Napangiwi ako sa sinabi ni Violeta. Kung alam lang sana ni Violeta ang katotohanan. May bigla akong naisip. "Violeta, kung ang pinoproblema ni Stephen ay ang batas na nagbabawal sa bampirang magmahal sa isang mortal, bakit hindi na lang niya akong gawin tulad niya? Isang bampira?"

Nag-iba ang ekspresyon ni Violeta na para bang nauubusan ito ng pasensya sa akin. "Hindi ka ba nakikinig sa mga sinabi ko? Ang sabi ko ay may batas silang sinusunod. Isa na roon ang pagbabawal sa kanila na basta-bastang gawing bampira ang isang tao."

"Pero bakit? Kung si Stephen naman ay may mataas na posisyon sa kanilang lipunan, magagawa niya kung ano man ang gusto niya!"

"Elizabeth! Gusto mo bang mapahamak si Stephen dahil sa mga pinagsasabi mo?"

"Hindi ko kasi maintindihan ang batas nilang iyon! Bakit hindi puwede? Bakit bawal?"

"Tanging si Devon lamang o isa sa mga Elders ang maaaring magdesiyon tungkol diyan. Isipin mo na lamang, kung lahat ng bampira ay may karapatang gawin iyon, dadami ang kanilang lahi. Then vampires will overrule this place. Kung mas marami ang bampira kaysa sa mga tao, just imagine the riot it would cause when vampires would start fighting over their food. And by food I meant us, mortals."

Kailanman ay hindi sumagi sa aking isipan ang posibilidad na iyon.

"At isa pa," dagdag ni Violeta, "iniiwasan ng mga Elders ang magkaroon ng mga kaguluhan sa kanilang lipunan. Kung may isang Elite ang naisipang maghangad ng mas malaking kapangyarihan at mamuno sa kanilang lipunan, ano ang pipigil sa kanila para bumuo ng kanilang private army by making vampires out of mortal men?"

"Is Stephen in trouble because of me?" nag-aalala kong tanong. Papaano kung pinapahirapan siya ng sarili niyang kalahi dahil sa akin?

"Hindi pa naman," sagot ni Violeta sa akin. "As long as Devon says so. Pero ang pagkakarinig ko ay pati si Devon ay tila nababahala na sa mga pinaggagawa ni Stephen. Stephen is breaking some rules for you, Elizabeth, at mainit sa kanya ngayon ang mga mata ng Elders."

MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon