Chapter Five

91.8K 2.4K 46
                                    

Pumasok ako sa university kinabukasan. Ngunit nagbago ang schedule ng aking klase. Sa umaga ay ang mga regular subjects ko. Sa hapon naman ay nasa Haven Ceres ako kung saan tinuturuan nila kami kung papaano pasayahin ang mga Elites, o ang mga nakabili sa amin, at kung ano ang papel namin sa lipunan. Itinuro rin sa amin ang mga katangian ng mga bampira; kung ano ang mga bagay na dapat naming iwasan upang hindi namin makita ang kanilang galit.

Sadyang malalakas daw ang mga bampira. May pambihira silang lakas at bilis. Ang kanilang mga senses o pandama ay katangi-tangi. Kaya nilang maamoy ang scent ng isang tao o hayop kahit pa ito ay nasa malayo. May kakayahan silang marinig ang kahit na pinakamahinang tunog. Kaya nilang tanawin ang pinakamalayong lugar.

Kung ganito ang kanilang mga kakayahan, ano na lamang ang panlaban ko sa kanila? Paano ko sila tatakasan?

Nabanggit naman ng aming guro na may kahinaang taglay pa rin ang mga bampirang iyon. Totoo pala ang mga sinasabi sa kuwento at ipinapalabas sa mga pelikula: Takot ang mga bampira sa araw. Tulog sila sa umaga at gising sa gabi.

May pag-asa pa akong makatakas.

Hindi pumasok si Jane no'ng araw na iyon, at nag-aalala ako para sa aking kaibigan.

"Madam Beaufort," sabi ko nang nakita ko si madam sa Haven Ceres building. "I wanted to ask about Jane. How is she? How can I contact her?"

"She's fine, my dear. Do not worry." Isang nakakalokong ngiti ang ibinigay niya sa akin. "She's alive, if that is what you really wanted to know. As a matter of fact, I heard she enjoyed her first night with her... master."

Master. I hated that word. It was as if it placed an emphasis on us being their slaves.

Matapos ang klase, balak ko sanang tumakas upang puntahan si Carl. Ngunit ang itim na kotse na naghatid sa akin kanina ay biglang humarang sa aking dinaraanan.

"Ano ba?" singhal ko. "Gusto mo ba akong patayin?"

Bumaba sa sasakyan ang chauffeur. "Patawad, Miss Elizabeth. Ngunit hindi po kayo maaaring umalis at pumunta kahit saan ng walang pahintulot mula sa master."

"Tell your master that I can go wherever I want to go!" Lumiko ako at nagpatuloy sa paglalakad. Mabuti na lamang at hindi na ako sinundan ng chauffeur.

Mag-aalas singko na ng hapon ng narating ko ang condo ni Carl. It was a good thing he was there.

"Liz!" sigaw nito sabay yakap sa akin. "Thank God you're alive! Nag-alala ako nang hindi na kita matawagan. I looked for you everywhere! Pinuntahan kita sa bahay niyo, pero wala akong nadatnan kahit isang tao roon." Hinalikan niya ako bago nagpatuloy. "How are you? Did they hurt you?"

"I'm fine, Carl," sabi ko. Ngunit bigla akong nagkaroon ng hinala na may alam si Carl sa kung ano man ang nangyayari sa akin. "I'm still alive, and they did not hurt me. Pero ba't mukhang alam mo ang mga dapat itanong sa akin? It's as if you are aware of what had happened to me."

Nakita kong nagulat siya sa mga sinabi ko. Bumuntong-hininga siya at naupo sa sofa. "Matagal na akong may ideya na mangyayari ito."

"What do you mean?"

"Liz... Patawarin mo 'ko..."

"What are you trying to say?"

"Isa akong undercover agent ng Hunter Order. Kami ang naatasan ng gobyerno na sumupil sa mga iligal na gawain ng mga... mga bampira."

"What did you just say?" bulong ko.

"Isa kaming secret organization ng gobyerno. Layunin namin ang wakasan ang pamumuno ng mga bampira na kumukontrol sa ating lipunan. Patago kung kumilos ang mga bampira, ngunit hawak nila ang malaking sektor ng pangangalakal, ang halos buong mercado dito sa bansa. At ito, itong buong Salvacion, ay pinamumugaran ng mga bampira. Hindi sila mabubuti. Dahas at pananakot ang gamit nila upang masunod ang kanilang mga gusto."

Isang tango ang ibinigay kong tugon at nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Isang taon na ang nakaraan, sa pag-iimbestiga namin, napag-alaman namin na ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan upang sumang-ayon ang mga mayayamang pamilya na ibenta ang kanilang mga anak na babae kapalit ang salapi at maliit na kapangyarihang igagawad sa kanila. Businessmen, politicians, renowned artists... Iilan lamang sila sa mga nakipag negosasyon sa mga bampira.

"Ang puting singsing na tulad ng suot mo... Ibinibigay 'yan sa mga anak na babaeng magiging alay. At kung sino man ang napili, siya ang magiging Bloodslave ng bampiring nakabili sa kanya. Kaya naman noong anim na buwan ng nakaraan, no'ng nakita kong suot-suot mo ang singsing na 'yan-"

"Saka mo 'ko nilapitan? Niligawan? Ganoon ba 'yon?"

"No Liz-"

Hindi na niya natapos pa ang mga sasabihin niya dahil sa malakas na sampal na iginawad ko sa kanya. "You used me! Para sa imbestigasyon ninyo! And all those times we were making out... All those times that I almost gave myself to you... Iyon pala ginamit mo lang ako? You're despicable!"

Tumalikod ako at palabas na sana ng kanyang condo nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang apat na lalaking naka-itim.

"Sino kayo? Who gave you the authority to barge into my home?!" narinig kong sigaw ni Carl, ngunit nagulat na lamang ako nang nakitang kong pinagtutulungan nila si Carl at binugbog.

Lalapitan ko sana sila upang pigilan sila sa pambubugbog kay Carl nang may humila sa aking braso. Namumukhaan ko siya. Isa siya sa mga sumundo sa akin sa bahay at hinatid ako sa bago kong tinutuluyan.

"Miss Elizabeth, kung pinapahalagahan mo pa ang buhay ng lalaking iyan, sumama ka sa amin at titigilan na nila ang pambubugbog sa kaniya," anito.

Nilingon kong muli ang direksyon kung nasaan si Carl. Nakahandusay na ito sa sahig, duguan na ang mukha ngunit patuloy pa rin sa pagsisipa at pagtatadyak sa kanya ng tatlong lalaki.

"Don't go with them Liz!" pilit nitong isinisigaw.

Nakikita ko sa mga mata ng nakahawak sa braso ko na totoo ang banta niya. At kahit pa galit ako kay Carl sa panloloko niya sa akin, hindi ko pa rin maaatim na magdurusa siya nang dahil sa akin. Isang tango ang ibinigay ko sa lalaki at saka niya binitawan ang aking braso.

"No Liz! Don't go!"

Iyon ang huli kong narinig mula kay Carl bago siya pinatulog ng isa sa mga nambugbog sa kanya. Napasinghap ako sa inaakalang patay na siya.

"Hindi pa siya patay," sabi ng lalaking katabi ko. "Kailangan na nating umalis bago dumating ang mga hunters."

Tumango akong muli at sumunod sa kanila palabas ng building. Hindi ko namalayan na madilim na pala sa labas. Gabi na pala.

"This way, Miss Elizabeth," turo sa akin ng lalaki at hinatid ako sa isang itim na limousine na nakaparada sa tapat ng building. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at naupo ako, balisa pa rin sa lahat ng mga nangyari sa akin ngayong araw na ito.

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari sa akin, sa buhay ko. Ang taong inaasahan ko upang tulungan ako, ang taong minahal ko nang buo... Matagal na pala akong niloloko.

I leaned back and closed my eyes, letting the darkness inside the car consumed me whole as I cried for my helplessness and vulnerability. I thought everything was perfect. I had everything! And yet everything was just a bunch of twisted lies and deceits.

"If you won't stop crying for that bastard hunter, I'll make sure the next time you'll cry for him you will do it during his funeral," isang matigas na boses ng lalaki ang pumutol sa aking pag-iisip.

I snapped my head to the side and let out a horrified gasp. A pair of hazel brown eyes stared back at me intensely.

Dahil sa may kadiliman ang loob ng sasakyan ay hindi ko agad napansin na may kasama pala ako sa loob.

He kept staring at me, those fierce brown eyes boring into me, into my flesh.

"I-ikaw," I stammered. I was frightened beyond measure. Dahil kaharap ko siya. Dahil katabi ko siya. Si Stephen Francis Villaroyal, ang bampirang nagmamay-ari sa akin.

"Yes," tugon niya. Umangat ang isang dulo ng kanyang labi, forming a smirk on his devilishly handsome face. "I told you... You're mine Elizabeth."

***

#BloodLustMine

MINEWhere stories live. Discover now