Chapter Twenty Nine

94.9K 1.8K 144
                                    

Naamlimpungatan ako nang may naramdaman akong banayad na haplos sa aking pisngi. Nang minulat ko ang aking mga mata, nakita kong gising na si Stephen sa aking tabi, ang mga sugat niya sa mukha ay unti-unti nang humihilom, ang sigla sa kanyang mga mata ay unti-unti ng bumabalik.

"Hey, you should go back to sleep," bulong ko sa kanya. "Kailangan mo pang magpalakas."

"Malakas na ako." Hinalikan niya ako sa noo. Alam kong may gusto siyang pag-usapan. Ang pagiging bampira ko ay hindi pa namin natatalakay dahil sa hindi pa siya lubusang magaling ilang araw na ang nakalipas. Ngunit ngayon na nanumbalik na ang kanyang lakas, alam kong nais na niyang pag-usapan namin ang aming kinabukasan bilang mga bampira.

Hinapit niya ako papalapit sa kanya. "Why did you allow him to turn you?"

Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Bakit ko hinayaan si Devon na gawin akong ganito, isang bampira? "Dahil gusto kong mabuhay, para sa 'yo."

"Alam kong hindi gagawin 'yan ni Devon nang walang kapalit. Ano ang hiningi niya sa 'yo?"

"Wala. He just asked me why I wanted to become a vampire. Ang sabi ko ay dahil sa pag-ibig ko para sa 'yo."

"Maybe he made you into a vampire because he though making you one of us will make me stay here. Dahil isa ka na sa amin, hindi na natin kailangang tumakas pa."

"Maybe. Pero hindi ka ba masaya sa mga nangyari?"

Hindi agad sumagod si Stephen. Naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko bago nagsalita. "Masaya. This means we will be together as long as immortality will allow us to live. However, being a vampire makes you a prisoner of darkness. You will never get to see the sun, feel its warmth and enjoy its gentle heat. Being a vampire means you are a slave for the call of thirst. You will have a never ending bloodlust, the need to feed and sate your hunger with blood. You are now a monster, just like me."

Humarap ako kay Stephen at ikinulong ang magkabilang pisngi niya sa mga palad ko. "No. Being a vampire does not make you a monster, and it does not make me one, either. Nalaman ko 'yan the hard way when I fell in love with you. I don't need the sun—I have you to brighten my day!" Kinuha ko ang kanyang isang kamay at inilapat ang palad niya sa aking katawan. "I have your hands to make me feel warm." Hinalikan ko siya sa mga labi. "I have your lips to make me feel hot." At maliliit na halik ang idinampi ko sa kanyang leeg. "And I have your blood to satisfy me. What more can I ask for?"

Mahinang tawa ang sagot ni Stephen sa akin. "And I have yours to satisfy mine. Don't worry about getting hungry—we have money and we can always buy blood."

"I'm not worried. Pero babalikan pa kaya nila tayo, Stephen?"

"They might, but we will always be prepared."

"Sino ba ang hinahanap ng Hunter na iyon sa 'yo?" Naalala kong pilit nilang pinapaanim si Stephen sa kinaroroonan ng kanilang hinahanap.

"A very important key player in our society, Elizabeth. Ngunit walang nakakaalam tungkol sa kanya maliban sa akin..." Tumigil sa pagsasalita si Stephen na para bang may nais pa itong sabihin ngunit nagbago ang isio. Sa halip ay tila iniba nito ang usapan. "Ang ipinagtataka ko ay kung papaano nila nalaman ang tungkol sa kanya."

"Ano ang mangyayari kung nalaman ng Hunter na iyon ang kinaroroonan ng hinahanap nila?"

"Then everything will alter if that person will fall to the wrong hands. Ang hinala ko ay isang vampire lord na naghahangad na maging hari ng mga bampira ang nagpapahanap sa kanya. Kung mapapatay nila si Devon, o palalabasin na walang kakayahang mamuno si Devon bilang aming pinuno, all that vampire lord needs to do is to kill me and then he will be king as long as he has the other royal vampire with him."

MINENơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ