Chapter Twenty Four

77K 1.5K 12
                                    

Part ONE of Chapter Twenty Four

We would be making our escape soon. We would make a new life in a place where freedom was not a luxury, but a gift. A right.

But Stephen gave me a warning. Escaping this place would be like escaping hell. It'd be difficult, he said. But once we were freed from the fire and clutches of the vampire laws in this town, freedom was to be our grand trophy.

"Nakakasiguro akong magiging ligtas tayo sa ating pagtakas. At kayang-kaya kitang protektahan," ang sabi pa sa akin ni Stephen isang gabi.

Wala akong agam-agam na kaya niya akong protektahan. Ngunit alam kong dapat matutunan ko rin ang kung papaano pangalagaan ang sarili. Buong buhay ko ay itinuring ako na parang isang mamahalin at babasaging manika—mahina at dapat protektahan. Sa mundong aking kinagisnan, sa mundo ng huwad na mayayaman, iyon ang katangiang binansag na normal sa aming lipunan. At ngayon na lilisanin ko na ang lugar na ito, nararapat lang na isantabi ko na rin ang kaugalian na aking kinalakihan.

"Pero Stephen, mas mapapanatag ako kung kaya ko rin pangalagaan ang sarili ko." Umupo ako sa tabi niya. "Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ay kasama kita. At isa pa, gusto ko rin na maipagtanggol ka. Gusto ko rin lumaban."

Tumaas ang isang kilay ni Stephen. "Gusto mo 'kong ipagtanggol? Sa liit mong 'yan, sa tingin mo ba ay may panlaban ka sa mga bampirang kumakalaban sa akin?"

Hindi pa rin nawawaksi ang paniniwala ni Stephen na ipinanganak na mahina ang mga kababaihan at kailangan nila ng mga kalalakihan upang ipagtanggol sila.

That chauvinistic male vampire. When would men realize that women are just as strong and independent as them? Maybe not in terms of strength, but still, women who are driven and possess a strong determination can do anything men can do. Or at least that was how I see it now.

"I want to be the one to protect you," dagdag pa niya. "I'm more powerful than you in strength."

I made an undignified snort. Ang paniniwalang iyan ni Stephen ay baka maging isa pa sa mga dahilan ng aming pag-aaway sa hinaharap. Powerful, he said. Oo, mas malakas sila. Pero may taglay ring kapangyarihan ang mga kababaihan. And that is knowing how to stroke the ego of men.

"Oh, I absolutely love it when you talk like that! My strong, powerful, vampire lover," ang sabi ko sabay himas sa braso niya.

"Yes, yes. Tama ka. Makapangyarihan ako. Malakas ako. At kayang-kaya kita protektahan. Kaya wala kang dapat ipag-alala, Elizabeth."

"Alam ko naman iyon. And I know you're a skillful fighter."

"Of course I am! Hindi mo naitatanong, alam ko rin ang mga tinatawag ninyong martial arts. I also know how to handle a gun. Knife throwing, as well as fencing, is a piece of cake. And archery? It's just child's play for me. Although, I really have no use for those things since my strength alone is enough."

Gusto kong matawa sa taglay na kayabangan ni Stephen. Kahit isa itong bampira, lalaki pa rin ito. At likas na sa mga lalaki ang magpa-impress sa mga babaeng napupusuan nila. "I know. Alam kong wala kang kinatatakutan, at sila pa ang dapat matakot sa 'yo."

"Again, tama ka. I have great influence among my peers. And I know how to strike fear in their mind. Isang tingin ko pa lang sa kanila ay nanginginig na sila sa takot. And you're right—wala akong kinatatakutan."

"Hmmm..."

Tumaas muli ang kanyang kilay. "You don't believe me?"

"Hindi naman sa ganoon. Kaya lang..."

"Kaya lang ay ano?"

"I realized you do fear something."

"I don't fear anything!"

MINEWhere stories live. Discover now