Chapter 8

10 3 6
                                    

"Thanks, by the way." I tried very hard to sound sincere.

"Pang-ilang sabi mo na ba ng 'Thank you'?" Natawa pa siya bago sumubo ng fishball. Ngumiti na lang ako sa kanya at saka inubos yung siomai ko.

After ng ferris wheel ride namin, nagutom daw siya ulit kaya hinila niya ako agad paalis sa amusement park. Sayang gusto ko pa sana sumakay ng roller coaster eh.

"Magkano po lahat, manong?" Tanong ni Trev sabay labas ng wallet.

"Singkwenta boi." Natigilan pa siya saglit bago lumapit at bumulong sa akin.

"Magkano yung singkwenta?" Seryoso ba siya? Natawa na lang ako at nag-abot ng fifty pesos kay manong. Umangal pa siya pero dahil nag-insist ako, wala na siyang nagawa.

Pagkatapos kong magbayad, bumalik kami sa mall para kunin yung iniwan namin sa baggage na pinamili ko. Tapos dumiretso na kami sa terminal ng jeep at hinintay na mapuno.

"Manong pabili tubig, dalawa." Inabot ko kay kuyang nagtitinda ng tubig yung pera at kinuha yung tubig.

"Hoy, di ko naman sinabing bilhan mo ako ah. Kaya ko naman bumili."

"Nilibre mo na yung popcorn sa sinehan kanina eh. Aba baka dumami utang ko sa'yo tas singilin mo ako ng doble."

"Hindi naman. Ganito na lang, sagutin mo lahat ng tanong ko ng oo, tas quits na tayo sa lahat ng nilibre ko."

"Gege, wag ka lang budol ha."

"Okay, game. Gwapo ba ako?" Napangiwi ako sa tanong niya. To be honest, gwapo naman talaga siya."

"Oo."

"Matangkad ba ako?"

"Oo." Honest answer ulit dahil hanggang kili-kili niya lang ako.

"Amuyin mo kili-kili ko," itinaas niya ang dalawa niyang kamay. Ako naman na uto-uto lumapit at inamoy nga. In fairness ha, mabango. "Mali yung sinabi ni mama noon na mabaho kili-kili ko di ba?"

"Oo na, Axe brand ng deo mo no?"

"Hala, oo! Pa'no mo alam? Anyways next question. May chance bang magkagusto ka sa'kin?"

"Oo."

"Seryoso ba?" Buang ba siya? Sabi niya kanina dapat 'oo' lang isasagot ko. Pero, pwede rin. Sabihin na lang nating half meant yung sagot ko. "Woi pag na-fall ka sa'kin wala akong kasalanan ah." Tinaas pa niya yung dalawang kamay niya.

"Bakit? Ah oo nga pala, baka natural lang talaga sa'yong maging maharot."

"Hindi, baliw. Charot lang yun." Did he just say 'charot'? Ang cute lang. "Oh bakit ka nangiti dyan? Nafa-fall ka na no?" Sinundot sundot pa niya yung pisngi ko.

"Na-cute-an lang ako sa charot mo."

"Ah oo. Sabi nga rin ng iba ang cute ko raw." Tss.

"Bakit parang ang dami mo namang oras para sa graduating na gaya mo? Engineering pa ha."

"Tamang time management lang." Sabi niya sabay inom ng tubig. Sakto namang may pumasok na babae. Nakasuot siya ng sleeveless turtleneck at high waist short. Ang sexy niya! Sana all. Kumakain siya ng empanada pero kahit yung way niya ng pagkain, ang sexy!

Tinignan ko yung reaction ni Trev kung nakatingin siya pero pagkatapos niya uminom, tumingin siya agad sa akin.

"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" Inosenteng tanong niya. Inginuso ko yung babae na nasa bandang unahan ng jeep. Tumingin siya don pero binalik agad yung tingin sa akin. "Gusto mo rin ba ng empanada?"

Natawa na lang ako at umiling. Nasa tapat ng dibdib ng babae yung empanada. Imposibleng hindi niya napansin yun. Painosente amp.

"Ilang babae ang hinaharot mo?"

"Bakit, ilan ka ba?"

"Bakit, may kamukha ba anong nursing student?"

Sandali pa siyang natulala. Ngumisi rin siya pagkatapos.

"Nakita mo kami malapit sa sakayan ng jeep malapit sa school?"

"Oo. Saya niyo nga eh."

"Stupid, ate ko yun. Di pa tayo, selosa ka na agad ah." Wow, the audacity ha. Curious lang naman ako pero di ako nagseselos. Pake ko ba?

"Akala ko ba tatlo lang kayong magkakapatid tas puro lalaki yung nauna sayo?"

"She's my stepsister. Anak ni dad sa una niyang pamilya."

"What do you mean?"

"Sa mommy ko ikinasal si dad, pero bago sila nagpakasal, nakabuntis si papa. And tadaaa, nabuhay ang isang ate Dianne."

"So ikaw lang talaga ang wala sa medical field?"

"Yes. Unique ako eh." He even winked at me. Hindi na kami ulit nag-usap. Dumami na rin kasi yung pasahero.

"Mauuna akong bababa sa'yo, ingat ka ah. Text mo ako pag nakauwi ka na." Ginulo niya pa ang buhok ko bago siya pumara at bumaba. And to be honest, napangiti niya ako. Pero bakit ko siya kailangang i-text? Jowa ko ba siya?

Wala akong nadatnang tao sa bahay. Na-late na nga ako ng 45 minutes sa usapan namin ni mama na 7 pm na uwi ko dapat eh. Umakyat muna ako sa kwarto ko para ilapag yung mga pinamili ko. Buti na lang naalala ko na may pinamili akong materials. Nag-enjoy rin kasi ako kasama yun kahit medyo napilitan lang ako.

Pagkatapos kong magbihis, nagluto ako ng pagkain nila mama. Naglinis din ako saglit bago ako umakyat ulit sa kwarto ko. I even called Allison para ikwento yung nakita ko sa mall.

She was not shocked at all! As if normal na gawain ni Avi yun. Well what did I expect? Mas madalas silang mag-usap pag tungkol sa lalaki. Inosente kasi ako eh.

Sinabi naman sa akin ni Allison na sabihin kay Avi yung totoo. And I am planning to tell her about it tomorrow.

From Trevor:
Nakauwi ka na?

From Trevor:
I told you to text me when you get home.

To Trevor:
What are we again? Ah, acquaintance.

From Trevor:
I am just worried, lol

To Trevor:
Why?

From Trevor:
Why not?

I just ignored his last text. Nadedrain na social battery ko. Tinatamad na ako makipagtalo. Baka puro kaharutan isunod niya sa text niya. I turned off my phone and decided to sleep.

The Words I Wish To SayWhere stories live. Discover now