Chapter 4

10 3 9
                                    

Pinauna na lang namin si Avi na pumunta sa building nila. Magkaiba kasi kami ng course, architecture student siya habang kami naman ni Allison educ.

"Pogi ba?" Tanong ni Allison. Sabay kagat sa sandwich niya.

"Hindi ka nagbreakfast?" Pag-iiba ko ng usapan. Sana lang di niya mapansin dahil busy siya sa egg sandwich niya.

"Paano ako makakapagbreakfast eh ang aga niyong pumasok ni Avi. Palibasa may kikitain eh." Just when I thought natakasan ko na yung tanong ni Allison, ampupu bakit ba di pa ako nasanay?

"Sorry I'm one minute late." Hinawi pa niya ang buhok niya patalikod habang nakatingin sa relo niya. Napangiti na lang ako, ang fluffy siguro ng buhok niya. Sarap paglaruan grr.

Siniko naman ako ng mahina ni Allison kaya nabalik ako sa realidad.

"It's okay. One minute lang naman."

"No, time is gold di ba? What if sa one minute na yun may nangyari na di inaasahan? Like emergency or something? Alam mo na maraming pwedeng mangyari sa loob ng 60 seconds." Hindi rin naman siya overthinker no?

"Sabagay," I said and scoffed. "Ay nga pala," inabot ko na sa kanya yung paperbag. Mukhang bangag siya kaya di niya napansin yung design. Nag-peace sign na lang ako sa kanya.

"Why? Ba't ka nag-peace sign?" Lumingon siya sa paligid niya. Ginagawa nito? "May camera ba?"

Bangag nga.

"No, yung design kasi ng paperbag..."

"Wala namang masama sa-- oh fuck!" Ipinasok niya agad sa loob ng bag niya yung paperbag.

"Sorry talaga, di ko napansin eh. Medyo bangag ako kanina."

"Okay lang. Nag-breakfast ka na ba?"

"Oo, ikaw ba?"

"Hindi pa. Samahan mo'ko."

Kinurot ni Allison yung tagiliran ko at bumulong. "Samahan mo raw kumain. Samahan mo na rin sa pagtanda."

Sinamaan ko na lang ng tingin si Allison. Nauna nang maglakad si Trevor. Hindi na hinintay yung sagot ko kung sasama ba ako o hindi. Ayos ah.

Pagkarating namin sa cafeteria, pumila na siya para umorder ng pagkain niya. Tinanong niya si Allison kung anong gusto niya pero nagpaalam na si Allison, may quiz pa raw na irereview. Ngayon wala na akong choice kung hindi samahan siya. Nakakahiya naman kasing iwan mag-isa to pagkatapos akong tulungan.

Sakto namang tumugtog yung Alab by SB19 kaya tamang vibe lang ako sa tabi niya. Pinipigilan kong kumanta or sumayaw man lang.

"Gusto mo ng pancake?"

"Nag-breakfast na ako."

"Oh tapos? Dagdag mo lang dyan sa idadigest ng tyan mo." Hindi ko namalayan na kami na pala yung susunod na costumer.

"Isang longsilog po at isang pancake. Tas dalawang hot choco." I was about to get my wallet para bayaran yung order pero naibigay na niya yung pera niya. Naglabas pa rin ako ng pera para pambayad sa kanya. Nakakahiya kaya, siya na nga yung tumulong sa'kin eh. Dapat ako manlilibre

"Anong oras first class mo?" Papunta na kami sa pwesto namin. Dala na rin niya yung pagkain namin.

"Mamayang 8 pa. Ikaw ba?"

"Same." Inilapag niya yung pagkain namin na mesa, nagulat pa nga ako nung siya na mismo nagslice ng pancake para sa'kin. Pinaninindigan ang pagiging gentleman ah.

"Dapat sinabi mo kagabi para di ka gumising nang maaga. Nakapagbreakfast ka pa sana." Mahina kong tinapik ang kamay niya dahil pati yung hot choco ay hinalo na rin niya.

"Ayos lang. Gusto rin kita makausap eh." Tumingin siya ng diretso sa mata ko habang inilagay sa tapat ko yung pancake. "Eat, ang payat mo."

Kumunot na lang ang noo ko. Bakit parang jowa niya ako para tratuhin ng ganito?

"Boyfriend ba kita?" Tanong ko bago sinubo yung pancake. Medyo nailang pa ako dahil nakatingin siya sa'kin. Ni hindi pinapansin yung longsilog niya.

"Gusto mo ba? Charot."

Napa-tss na lang ako. Alam ko namang nagbibiro lang siya. Duh, imposible naman kasing magkagusto siya sa'kin agad.

"Hayop na longsilog, ang liit naman ng longganisa nila. Mas malaki pa itlog ko dito ah." I almost choke on hot choco. Wtf? Yan din yung sinabi ni Josh ng SB19 ah?

"Amputek, para kang si Josh."

"Sino si Josh? Boyfriend mo? Hala may boyfriend ka pala sorry." Natawa na lang ako sa reaction niya, nanlaki yung mata niya as in.

"I WISH. HAHA!"

"So sino si Josh?" Tanong niya ulit. Di naman siya makulit no? Pero himala hindi nadedrain energy ko.

"Member ng SB19 yun. First ever P-pop group na nag-training under Korean company."

"Ah, ayos ah. Meganon?" He chuckled.

Hindi ko na lang siya pinansin at kumain na lang.

"By the way, bakit mo naisipang magteacher?" Naglalakad na kami palabas mg cafeteria. Hindi ko alam kung saan kami pupunta amp.

"Wala lang. Eto pala bayad nung pancake kanina." Inabot ko sa kanya yung 100 pesos pero tinatanggihan niya. Gentleman daw kasi siya. Tss.

"Ako tanong mo kung bakit ko naisipang maging engineer." Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Matalino ako sa math, umiigting ang panga ko, kaya ko ring sabihin yung 'baby, let's talk' oha." Natawa na lang ako sa kadaldalan niya. In fairness ha, di siya boring kasama.

"Sige, seryosong sagot ha. Bakit ka nag-engineering?"

"My dad is an engineer. I have 2 older brother, sila dapat yung magmamana sa construction company namin pero nag-doctor sila. Kaya wala akong choice. Enjoy ko rin naman kaya okay lang."

"San tayo pupunta?" Tanong ko. Medyo malayo na kasi ito sa building namin. Malayo rin sa building nila.

"Ewan, sinusundan lang kita."

"Buang ikaw nga sinusundan ko eh. Bakit ako sinusundan mo?" Tumawa pa ako ng mahina.

Seryoso lang siyang tumingin sa akin. Ay, mood swings?

"Sabi kasi ni mama follow your dreams. Kaya ayan, sinusundan kita."

The Words I Wish To SayWhere stories live. Discover now