Chapter 2

9 2 8
                                    

Trevor Jaize Panganiban. Ayos ah, TJ siguro palayaw nito. Tender juicy amp. Tunog pulitiko yung pangalan, parang apo ng governor, gano'n.

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay namin, kapapasok ko pa lang sa gate, yun kaagad ang una kong tinignan. Ayun tuloy, sinigawan ako ng nanay ko.

Malamang sermon na naman dahil gabi na raw ako nakauwi. Nang matapos ang sermon niya saka ko sinabing research ang ginawa ko kaya ako ginabi. Natahimik na lang si mama.

Itinago ko muna sa bag ko yung polo ni Trevor para di nila makita. Mahirap na baka mapagbintangan pa akong lumalandi.

Mag-isa kong kumain at ako na rin ang naghugas pati ng pinagkainan nila kanina. Nakakahiya naman kasi, pagod sila sa trabaho, tss.

Tinabihan ko sila mama habang nanonood ng teleserye sa TV. Sakto namang may kissing scene don kaya umiwas ako ng tingin sa TV at tumingala sa kisame.

"Ano yun, butiki?" Mahinang bulong ko.

"Magtigil ka nga, alam naming di ka na inosente sa mga ganyang bagay. College ka na aba." Sabi ni mama sabay kain ng popcorn.

"Baka nga may boyfriend na yang anak mo eh. Ano, may boyfriend ka na no? Nasaan? Pakilala mo sa amin para maisabit ko patiwarik dyan sa may puno ng Acacia sa kanto." OA naman ni papa.

"Wala ho akong boyfriend. Aksaya sa oras, tsaka sarili ko nga halos di ko maasikaso, boyfriend ko pa kaya kung nagkataon?" Rason ko.

Totoo naman kasi. Hindi pa ako handa, pero honestly gusto ko rin maranasan magkaroon ng boyfriend. Yung tipong mamahalin ka talaga ng totoo.

Ewan ko ba, sobrang lala kasi ng trust issues ko. Sobrang insecure ko. Naalala ko nga nung prom namin, bigla na lang ako nag-breakdown eh. Tinawanan lang ako nila Avi nun.

I can't blame them tho. Mukha akong tanga nun pero sobrang nasaktan ako to the point na umiyak ako ng very light. I mean, kapag sariling thoughts mo na kasi, ang hirap kalabanin.

And yes, hindi na ako inosente sa maraming bagay. Kung tutuusin kayang-kaya ko ring lumandi na at makipag-sex sa kung sino-sino pero ayoko. Kahit naman marami akong insecurity sa katawan, mahal ko ang sarili ko. I still believe na kasal muna bago isuko ang perlas ng silanganan.

Isa pa, nag-iisang anak ako. I can't be a failure. Hindi ko sila dapat ma-disappoint. Nakaka-pressure pero kaya naman. Isa rin sigurong dahilan yun kaya tingin ko hindi pa ako handa.

"Wala ka bang gagawing paperworks or assignment?"

"May isang quiz lang po ako bukas, ma. Mamayang madaling araw na lang po ako magrereview."

"Oh bat di ka matulog nang maaga? Magpupuyat ka na naman? Ano pang ginagawa mo dito? Amin na yang cellphone mo." Eto ang isang pinaka-ayaw ko minsan kila mama. Kanina lang sinabi nila na college na ako, tas ngayon daig ko pa ang high school student kung pagbawalan mag-cellphone.

Hindi ko pinansin si mama at umakyat na lang dala ang cellphone ko. Ni-lock ko ang pintuan ng kwarto ko at saka inilabas yung polo ni Trevor para malabhan bago ko ibalik bukas. Medyo nadumihan din kasi kanina nung sumayad sa sahig ng jeep.

Inamoy ko muna yung damit at napangiti na lang ako. Ang bango ng kili-kili. Amoy axe na deodorant. Pareho sila ng gamit ni papa. Magkakasundo sila, hehe. Dagdag ko kaya siya sa crush list ko?

Buti na lang kahit papaano may maliit akong cr sa kwarto ko. Doon ko na sinampay yung polo niya, blinower ko pa nga para madaling matuyo eh.

"So, kanino nga yung polo?"  Tanong ni Avi. We're on video call whole doing our skin care routine.

"Anong polo yun?" Tanong din ni Allison.

"Kanina kasi pagkababa mo may nakatingin pala saking matanda. Tinititigan legs ko, pre." Kwento ko. Bahagya pa akong lumayo sa camera ng phone ko para magsalamin.

"Oh tapos?" Sabay nilang sabi. Iisa na yata talaga takbo mg utak namin.

"Ayun, gentleman yung katabi ko, pinahiram niya yung polo niya para ipantakip ko sa legs ko." Itinapat ko yung mist sprayer sa mukha ko at saka tumingin sa phone ko para makita ang reaksyon nila.

"Bagong crush na naman niya yan." Komento ni Avi.

"Malamang. Hulaan ko, engineering no?"

"Luh? Pa'no mo alam?" Gulat na tanong ko.

"Aray!" Pareho kaming napatingin kay Avi na nalagyan ng moisturizer yung mata niya.

"Ayan, tanga." Sabay na sabi namin ni Allison. Gago ang creepy ah. Iisa na lang yata talaga utak namin.

"So ayun nga, kaya ko nalaman kasi you know na marami akong lalaki dyan sa engineering dept. Lahat sila gentleman."

Umirap na lang ako at saka humiga.

"Hindi ka naman sure kung lahat sila ay gentleman, lol."

"Pero karamihan, yes." Hindi na lang ako nakipagtalo sa kanya, nakakapagod kaya. Ayaw paawat ng babaeng yan eh. Wala na rin naman ako sa mood para magdaldal kaya nagpaalam na ako. 

To Trevor:
Kita na lang tayo sa main gate bukas, 6:30 am.

Mga 30 seconds ko pa muna tinitigan yung message ko sa kanya bago tuluyang isend. Hindi na ako nag-expect ng reply niya.

From Trevor:
Yeah, sure. Thanks ;)

To Trevor:
I should be the one thanking you.

From Trevor:
I know, but thanks kasi nilabhan mo na. See you tom. Gnyt! ;)

May lahi bang manghuhula to? I overthink about that before I decided to sleep.

The Words I Wish To SayWhere stories live. Discover now