Chapter 6

9 3 7
                                    

"I'm sorry, may gala kasi kami ni Yuen ngayon. Siya na lang daw kasama kong bumili ng ballpen."  Paalam ni Avi. Umuunlad lovelife nito ah. "Try to call Allison, baka tulog lang yun."

"Tinawagan ko na. Di daw makakapunta, ayaw payagan nila tita kasi ang dami daw labahin."

"Eh di bukas ka na lang kaya bumili?"

"Gahol na ako sa oras. Alam mo namang hindi ako gaanong kagaling mag-design gaya mo."

"Sige, punta ka na lang dito sa bahay bukas, I'll help you na lang. Got to go na, andito na si Yuen. Bye!" Nagflying kiss pa siya through video call bago inend ang tawag.

Napabuntong hininga na lang ako. I guess I'll go alone then. Sana all na lang talaga may lovelife. Sana lang di siya gaguhin or lokohin ng Yuen.

In fairness din sa taste ni Avi, marunong mamili. Yuen has fair complexion and he's also tall, about 6'1 yata height niya. Chinito and he has angelic smile. His cheekbones whenever he smile makes him really attractive. Kaparehong Archi student pa kaya masasabi kong tama ang napili ni Avi.

"Oh, nay pupuntahan ka?" Tanong ni mama. Naupo si mama sa kama ko at inilibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto ko. "Buti naman naisipan mong i-repaint tong kwarto mo. Kaso ang dark tuloy tignan. Bakit naman gray ang kulay?"

"Wala lang po. Para classy gano'n. Alam niyo naman pong hindi ako mahilig sa sobrang bright na colors. Di bagay sa personality ko ma." Sagot ko. Inayos ko na rin ang suot kong hikaw bago kinuha yung necklace ko.

Inagaw naman ni mama yun at siya na yung nagsuot sa akin.

"I know how badly you want to be a flight attendant. You're an adventurous person tho as you grow older, you started to limit yourself." Tumingin ako sa reflection ko sa salamin. Mom is still looking at my necklace. It has an airplane pendant on it. "Sorry kung hindi man na gaya ng dati na nakakapagtravel pa tayo."

"It's not your fault ma. Naiintindihan ko naman. As long as nakakakain tayo ng tatlong beses sa isang araw, sapat na yun. Wag kayong mag-alala, magiging flight attendant din ako. Mag-iipon ako ma. Kaya ko to." I gave her a reassuring smile and hugged her.

Kahit naman sobrang maldita sa'kin ni mama, alam kong siya lang din nakakaintindi sa akin at the end of the day.

Kung hindi kami naaksidente dati at hindi kami gumastos ng malaki sa pagpapagamot, baka natuloy akong maging flight attendant. But it's okay, wala naman akong choice kung hindi intindihin ang sitwasyon namin. At least nakakapag-aral pa ako. I still have lots of things to be thankful for.

"Bili kang akong materials ma. Uwi rin ako before 5 pm." I looked at my wrist watch, 10 am pa lang naman.

"Here, extra money." inabot sa akin ni mama yung 500 pesos. "Kahit 7 pm ka na umuwi. Mag-enjoy ka rin. Alam kong sobrang pagod ka na lately. Give yourself a break, hmm? You deserve it." She kissed my forehead and smiled. Tangina yung puso ko, naiiyak ako!

"Thanks ma." Yan na lang ang nasabi ko bago siya tumalikod at lumabas ng kwarto ko. Pagkasarado niya ng pinto, dun na ako napaupo. Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak.

Sobrang flattered ko. Sobrang pagod ko kasi lately, physically, mentally and emotionally. Those words that my mom said helped me to release the emotions that I have been bottling up. OA man pakinggan pero yun kasi talaga ang kailangan ko ngayon. I needed someone to tell me that I'm doing great. That I need to take a break and choose myself.

After 10 minutes of breakdown, tumingin ako sa reflection sa salamin at nag-pose. Parang tanga lang. Ang pangit ko talaga umiyak.

From Trevor:
Busy ka?

Luh? Bat nagparamdam bigla to? Dahil wala akong load, hindi na lang ako nagreply sa text niya. Inayos ko na ang itsura ko at naglagay ng konting powder at liptint the tadaaa, ready to go na. I'm wearing a simple loose shirt and jumper jeaans. Para kumportable at hindi agaw atensyon.

Pagkalabas ko naman ng gate, saktong may dumaan na jeep kaya sumakay na ako.

From Trevor:
Tara gala :)))

Close ba kami? Oo na pogi siya pero lakas naman ng loob na yayain akong gumala. Ano, wala ba siyang date ngayon kaya ako inuuto niya? Tss. Manigas ka dyan.

Maya-maya pa, huminto yung jeep sa may tapat ng simbahan. May sumakay na isang matandang babae at-- si Trevor?

"Uy, liit ng mundo no?" Nakangiting sabi niya sabay upo sa tabi ko.

Napairap na lang ako at umusog nang kaunti para makaupo siya ng maayos.

"May pupuntahan ka?" Tanong niya ulit.

Kaunti lang ang sakay ng jeep, lima lang yata kami kaya halos nakikichismis lang yung ibang matanda sa usapan namin.

"Uy, Kyla. Nawala ba dila mo?"

"May bibilhin akong materials for my practice teaching." I answered without looking at him.

"After that?"

"None of your business."

"Okay then, I guess wala ka nang gagawin after. Then, can I take you on a date?"

The Words I Wish To SayDär berättelser lever. Upptäck nu