Chapter 10

6 1 10
                                    

"WHAT DO YOU MEAN YOU'RE GETTING MARRIED? GAGA KA AKALA NAMIN HARUTAN LANG GINAGAWA MO, TAS NGAYON IKAKASAL KA NA? DI KA PA GRADUATE AH?!" Sunod-sunod kong tanong kay Allison. Napatakip sila pareho ng tenga at pilit akong pinapakalma.

"OA mo sis."
"Kaya nga."

I tried to compose myself, but my thoughts are suddenly piled up. Bakit siya ipapakasal agad? Hindi ba parang ang aga naman? Anong ginawa nito bakit siya ipapakasal?

"My mom wanted me to marry my childhood friend. Thanks to my stupid sister, binuking niya na ang dami kong kaharutan. Wala raw sa lahi namin ang playgirl kaya they want me to settle na."

"Still, that's unreasonable naman. And why your childhood friend?" I remained silent and let them spill everything.

"Exactly! Bakit nga ba sa lalaking yun eh halong 10 years ko nang hindi nakikita. Mas okay pa kung si Hiro yung ipapakasal sa'kin eh. Seseryosohin ko yun pramis!"

"Sinong Hiro?" Di yata nila nakwento sa'kin yun.

"Kalandian ko, eh gusto ng seryosohan. Gusto mag-commit sa'kin." She just sighed.

"Then what's stopping you?"

"You," what? Why me? "I mean I don't know if magugustuhan mo siya. Malayong-malayo siya sa ideal man na gusto mo para sa akin." Allison couldn't look into my eyes. Am I really that strict pagdating sa kanila? Nasobrahan ba yung pagiging caring ko? I guess yes.

"Sorry. I just want you to know na I'll support your decision pa rin naman. After all ikaw yung nakakaalam kung sasaya ka ba or hindi. Sorry if I'm being too strict or something pero I swear! Kahit pa hindi pasok yan sa ideal man ko para sa'yo, tatanggapin ko yan. Basta ba hindi ka lolokohin." I defended myself. Hindi ko alam na nakakasakal na rin pala ako sa kanila to the point na pati decision making nila naapektuhan na.

"It's okay. It's not too late pa naman para umamin kay Hiro... I guess." She faintly smile. "Anyways highways, iligpit na natin tong pinagkainan natin para--"

"Kailan ang kasal?" Nagulat kami nang biglang sumulpot si Yuen at Hiro sa balcony ng kwarto ni Avi.

Pinapasok namin agad sila at ni-lock yung pinto. Buset baka mahuli kami ni tito dati, patay kaming lahat!

"Kanina pa kayo dyan?" Worried na tanong ni Avi.

"Yes, love." Yuen kissed Avi's forehead as he wrapped his arms around her waist.

"Gusto na kitang ipagdamot, Allison. Please be my girlfriend na kasi!" Hiro even pouted his lips as he stomp his feet. Jusko ha, cute naman nila tignan? Ano yung sinasabi ni Allison na hindi ko magugustuhan kay Hiro?

"Kung seseryosohin ba kita, willing ka bang pakasalan ako?"

"Magdala pa kami ng pari ngayon din, Allison." Hiro held her hands as he pulled her for a hug.

Eh di kayo na may lovelife! Ayos ah, 5th wheel na naman ako. Asan ba kasi si Trev-- shit!

"Avi, sinong kasama niyo dyan?" Kumatok si tito at saka pilit na binubuksan yung pinto.

Fuck!

Itinulak namin ni Allison sila Hiro papunta sa walk-in closet ni Avi. Habang si Avi naman nag-play ng movie sa laptop niya para kunyari galing sa movie yung boses ng lalaki.

"W-we are just watching some movies dad!" Binuksan ni Avi yung pintuan ng kwarto niya. Pagkatapos ay tumabi siya samin.

Nagkumpulan kami agad na tatlo sa kama ni Avi habang sumusubo kami ng Pizza. Nanginginig pa nga yung kamay ni Allison eh.

"Akala ko ba gagawa kayo ng project?"

"Oo nga po dad, inuubos lang muna namin yung pagkain."

"Sige, aalis na ako. Gagabihin na ako ng uwi, mag-lock kayo dito." Humalik si Avi sa pisngi ng dad niya, nagmano lang kami ni Allison bago siya hinatid pababa ni Avi.

"Muntik na tayo dun ah." Napapunas na lang ako ng pawis ko sa noo. Mini heart attack ampupu.

Lumabas na sa sila Hiro mula sa closet. Tatawa-tawa pa. Sige, tignan ko lang kung makatawa pa kayo kapag nalaman ni tito. Tsk.

"Ano ba kasing nakain niyo at sumulpot kayo dito?" Inis na tanong ko. Hindi naman sa ayaw ko sa kanila pero biglaan kasi. Muntik pa kami mapahamak kay tito.

"Manliligaw nga si Hiro kay Allison." Paliwanag ni Yuen na umupo sa swivel chair ni Avi.

"Oh eh bakit kasama ka? Magkaibigan kayo?" Tanong ko ulit. Gisado sa'kin tong dalawang to.

"Blockmates ho ma'am. Pero ge na nga, tropa na rin." Ay wow, napilitan?

"Wag ka ngang bitter Kyla, palibasa wala si Trevor mo eh." Lumapit si Allison kay Hiro.

"Trevor? Trevor Jaize ba? Yung engineering? Tropa rin namin yun di ba, Yuen?"

"Lahat naman yata tropa niyo. Tss."

"Pre tawagan mo nga, papuntahin mo dito para di bitter to si madam." Wtf, Hiro? Kaya pala sinabi ni Allison na di ko magugustuhan si Hiro.

"On the way na raw. Sinabihan ko na kagabi yun, dunchuwuri."

Wtf? So pupunta rin talaga si Trevor dito? Ano triple date? Pero hindi naman date to eh. Gagawa kami ng project for fuck's sake!

The Words I Wish To SayWhere stories live. Discover now