Chapter 1

24 5 6
                                    

"Kung may tao man siguro na nakakaintindi sa akin, siya na yung taong pakakasalan ko." Seryosong sabi ko kay Avi na kasalukuyang nagtatype sa laptop niya.

"Ang random naman niyan." She replied without even looking at me.

"Wala lang. Ewan, sarili ko nga hindi ko rin maintindihan minsan eh," awkward akong natawa. "Malapit ka na bang matapos?"

She sighed before taking a sip on her frappe.

"Matagal pa siguro. Nakaka-stress sobra. Idagdag mo pa yung teacher namin na ang daming ka-ek-ekan sa buhay. Pati kami dinadamay. Buti sana kung necessary naman, like duh" marami pa siyang rant na sinabi. I just listened, observing her every move.

When she's done ranting, I just opened my social media accounts to find some wholesome memes.

To be honest, kapag may kausap ako at mas marami silang sinasabi parang ako yung nauubusan ng energy.

Habang nag-scroll ako sa Facebook, kinalabit ako ni Avi na nakatingin sa may pinto. Inginuso niya ang isang lalaki na kapapasok lang sa coffee shop.

"Oo na, pogi na. Ano meron? Type mo ba?" Tanong ko. Ngumiwi naman siya sabay bumuntong hininga.

"Crush ni Allison yan, baliw."

Tumingin ako ulit sa lalaki na yun na nasa counter at umo-order na. Familiar siya, pero sa dami ba naman kasi ng crush na naikwento ni Allison, hindi ko alam kung sino siya don.

Nagsend na lang ako ng message sa kanya at sinabing nasa coffee shop na tinatambayan namin yung crush niya. Wala pang thirty minutes ay dumating na siya. Bihis na bihis ang gaga.

"Patulong ako sa RRL ko." Sabi niya pagkarating na pagkarating niya sa usual spot namin.

She's wearing a black crop top, paired with high waisted jeans and white sneakers.

Umupo siya sa usual na pwesto niya. Sakto namang sunset na at malapit siya sa transparent glass kaya natamaan ng liwanag yung mata niya.

While she's busy covering her eyes, I took it as a chance na kuhanan siya ng litrato.

"Naks, sunkissed." Komento ni Avi. She's still busy typing on her laptop. "Buset na research kasi. Bakit kasi may research pa?"

"Useful yan pre. Para sa future." As much as I want to explain more, parang ayaw na ng bibig ko. Nadedrain na ang social battery ko.

"So, asan yung crush ko?" Inilibot niya ang mga mata niya sa buong shop, hanggang sa halos mapunit na ang labi niya dahil sa ngiti. "Shocks, ang pogi talaga. Sayang, bakit ka kasi naging beki?"

Avi and I just tapped her shoulder as if nakikisimpatiya talaga kami sa drama niya. But I have to admit, pogi nga siya.

Tatlong na oras yata kaming gumawa ng research sa coffee shop bago napagdesisyunan na umuwi. Gabi na nga eh, maga-alas nuebe na. Halos isang oras na kaming naghintay na makaalos yung jeep na sinasakyan namin.

"Baka mapagalitan ka na niyan, Kyla." Hindi ko alam kung sarcastic ba or worried yung pagkakatanong ni Avi sa'kin. I just shrugged as response.

Bahala na kung mapagalitan. Valid naman yung reason ko at tsaka at least nag-enjoy akong kasama sila kahit stressed na kami sa research na yan. Wala rin naman akong magagawa kapag nasa bahay ako.

"Oh isa na lang lalarga na. Ading na naka-sweater, urong ka ng konti, may uupo." Buset ha, puno na nga yung jeep halos sardinas na kami dito tas isa pa raw.

Umirap ako at isiniksik pa ang sarili ko kila Avi. Nasa may pinakadulo kasi ako, malapit sa likuran ng jeep. Pagka-usog ko sumakay naman yung isang studyante rin. Schoolmate lang din yata namin kaso taga engineering department.

Naupuan pa niya yung skirt ko. He smiled shyly at me and mouthed sorry. Nagpunas pa siya ng pawis niya. Infairness sa lalaking to, kahit pawis na ang bango pa rin.

After ten decades, umandar na sa wakas yung jeep. Medyo mabagal pa yung pagpapatakbo ng driver, matanda na kasi.

"Allison, sayo muna yung pamasahe namin ah. Bayaran ka na lang namin bukas. Di ko makuha wallet ko."

Tumango na lang siya kay Avi at saka isinandal ang balikat sa kanya. Samantala si Avi naman, sa akin sumandal. Ayos ah. Napagod malamang ang mga to.

After 10 minutes, bumaba na si Allison. Binatukan pa kami bago siya tuluyang bumaba ng jeep. Sabay naman kami ni Avi na hinampas ang pwet niya. Medyo nahiya pa nga ako dahil yung katabi ko natawa lang ng mahina sa kagaguhan namin.

Nang makababa si Allison, sumandal na naman sa akin si Avi. I felt something strange. Parang may nakatingin sa akin. And then there I saw a man, he's in 40s I think. Nasa tapat ko lang siya at parang nakatingin sa legs ko.

Hinila ko pababa ang palda ko para mas matakpan ang legs ko. Bakit ba kasi ganito skirt ng uniform namin.

Pilit kong tinatakpan at binaliwala ang tingin ng lalaki sa akin pero hindi na kasi talaga ako kumportable.

When I was about to confront him, nang saktong ibubuka ko na ang bunganga ko, bigla namang may polo na bumalot sa binti ko. As in covered yung mula binti hanggang hita ko. Tumingin ako sa katabi kong lalaki. He's staring at the old man intently. Hanggang sa yung matanda na mismo ang nag-iwas ng tingin. Maya-maya pa, pumara na ang katabi ko.

"Hey, uhm.. your polo." Aalisin ko na sana pero pinigilan niya ako.

"Just return it to me tomorrow, kailangan mo yan. Andyan yung ID ko, pakibalik na lang bukas."

And with that, bumaba na siya. Saka ko na lang napansin na white sando na lang ang suot niya sa taas.

"Bakit ka nakangiti dyan?"

"Nakatulog ka talaga?" Tanong ko may Avi na ginukusot pa ang mata.

"Idlip lang, kanino yang polo?" Hindi ko siya sinagot, instead tumingin ako sa direksyon kung saan bumaba yung lalaki.

"From a random stranger."

The Words I Wish To SayWhere stories live. Discover now