Chapter 3

12 3 9
                                    

Shine dream smile~

I woke up at 4 am as planned. I started to review my notes while listening to Mikrokosmos by BTS. I'm their fan since 2015. Pati nga si Avi eh, lowkey naman si Allison.

After 20 minutes of reviewing, binuksan ko yung bintana ko, mag-eemote lang saglit. Para kunyari nasa concert. I am looking at the stars while sipping on my hot chocolate. Bahagya pa akong napatalon nang mag-ring ang phone ko.

"Trevor?"

"Good morning," may mga naririnig pa ako sa background niya. Sinisigawan siya ng nanay niya. Sinasabihang bilisan ang kilos. Ayos a, hindi lang pala ako yung tinatratong bata ng nanay.

"Ba't ka tumawag? You could've just texted me."

"Explain mo nga sa nanay ko kung pa'no napunta sa'yo yung uniform ko dali." Narinig kong tuloy pa rin sa sermon ang nanay niya kaya medyo kinabahan ako.

"Luh, seryoso ba, Trev?"

"Oo, teka pababa akong hagdan," Hala gagu, anong sasabihin ko? Nakakatakot naman nanay neto. "Oh ayan, ma makinig ka."

"H-hello po," mas kinabahan ako nung hindi nagsalita yung mama niya. Kingina naman. "Uhm, sorry po. Kasi kahapon po sa jeep may tumititig po sa legs ko kaya pinahiram po sa akin ni Trevor yung polo niya. P-pero nilabhan ko na po!"

"Shota ka ba ng anak ko?" Wtf? Narinig ko ring sinuway ni Trevor ang mama niya. Ebarg naman lods.

"H-hindi po,"

"Oh, bakit di mo jowain anak ko? Gentleman naman siya di ba? Patulan mo na nga ito iha para naman hindi laging tinatamad."

What the fucking fudgee bar cake, obarrr sa sarap naman pakinggan hehe. Charot.

"Hindi pa po ako--"

"Oh ayan, basted ka agad. Naamoy siguro pawis mo kaya ayaw agad sa'yo. Sinabi ko naman kasi--" hindi ko na napatapos ang sermon ng nanay niya dahil pinatay na ni Trevor yung call.

Wtf was that? Inalis ko na lang sa utak ko yun at bumalik sa pagre-review.

At exactly 5 am, nilagay ko na sa paperbag yung uniform ni Trev at saka inayos ang mga gamit ko. Sinigurado kong wala akong maiiwan.

Nagluto na rin ako ng breakfast, sakto namang ihinain ko na yung pagkain nung bumaba na rin sila mama.

"Make sure to ace your quiz, Kyla. Subukan mo lang bumagsak." Sabi ni mama sabay higop ng tsaa niya.

"Drop ka agad kapag bumagsak ka." Dagdag ni papa.

I just nodded and eat peacefully. Hindi ko na nga halos malasahan yung pagkain ko dahil anytime parang tutulo yung luha ko.

And this is why I hate myself sometimes, I'm too sensitive. I'm too emotional.

"Ang aga-aga nakasimangot ka. Ayusin mo nga yang mukha mo."

I forced myself to smile kahit magmukha akong natatae. I hope you're satisfied with that, ma.

"Ma, can I get extra allowance this week? Ang dami kasi naming babayaran and I need to buy materials for my visual aid. Next week kasi start na ng pagiging student teacher ko."

"Humingi ka sa papa mo."

"Oh bakit ako? Magbabayad pa ako ng kuryente at tubig. Pati nga Wi-Fi sagot ko na. Bakit yung sweldo mo ba ubos na?"

"Di ba nga binigay ko yung kalahati sa kapatid ko? Alam mo namang nasa ospital yun ngayon kailangan nila ng pera."

"Wala ka na bang extra dyan? Matagal pa sweldo ko. Next week mo pa naman kailangan di ba?" Tanong sa akin ni papa.

"Next week na po kailangan kaya dapat this week po makabili na ako para magawa ko na rin." May extra money naman ako. May naipon ako kahit papaano but I'm saving it for Concert. Pero I cant be selfish. "May ipon pa po ako, yun na lang po muna gagamitin ko. Maliligo na po ako." I gave them small smile before walking out.

Paano ako makakaipon nito? Kung pwede lang magkatrabaho na agad para hindi na ako umasa sa kanila eh, para makatulong ako kahit papaano sa bills.

Binilisan ko na yung kilos ko at hindi na rin ako nagpaalam bago umalis. Hindi ko na sila naabutan sa kusina eh, baka naghahanda na rin sila para pumunta sa trabaho nila.

"Ang aga-aga nakasimangot ka agad. Panget mo tuloy." Avi teased as she locked their gate. She immediately cling into my arms. Kaya kami napagkakamalang lesbian eh.

Inabot niya sa'kin ang isang bar ng Goya. "Yan, that's better. Ngiti ka lang. Umaga pa lang eh. Kaya wala kang lovelife kasi akala ng mga lalaki lagi kang badtrip. Tss."

Inalis ko ang kamay niya na nakapulupot sa akin. Kinain ko agad yung chocolate na binigay niya at ngumiti. Natawa naman siya dahil may mga naiwan na chocolate sa ngipin ko.

This has been our routine for almost 7 years. Magkalapit lang ang bahay namin kaya sinusundo ko siya lagi. Si Allison naman sinasabihan na lang namin kung malapit na yung jeep na sinasakyan namin sa tapat ng bahay nila, para sabay na kaming pumasok sa school. Sabay din kami umuwi. Oh di ba, who needs jowa if you have friends like them?

"May dumi ba sa mukha ko or sa damit ko?" I asked both of them. Nasa loob na kami ng jeep at laking pasasalamat ko dahil hindi puno ang jeep na nasakyan namin. Halos studyante lang din ang sakay. Pakiramdam ko jinajudge ako ng mga students din na kasabay namin.

There's nothing unusual naman sa akin. I'm wearing uniform, may bag sa lap ko at isang paperbag na-- wtf???

"Bakit ganyan yang design ng paperbag mo?" Natatawang bulong ni Allison sa'kin. Paano ba naman kasi, yung paperbag pala na nadala ko ay yung paperbag ng bench tas ang design ay yung ine-endorse nilang brief. Potanginaers.

Tinakpan ko na lang yung paperbag gamit yung bag ko at tumingin sa daan na parang walang nangyari. Shet, pa'no ko ngayon ibibigay to? Ba't kasi ang bangag ko kanina amp.

The Words I Wish To SayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon