Ang lipad ko sa lupa

397 4 0
                                    

"Ang lipad ko sa lupa"
Dedicated to: theredren_

Hindi mo malalaman,
Kung hindi mo susubukan.

Hindi ka matututo,
Kung hindi mo pag-aaralan ng husto.

Hindi ka aangat,
Kung ika'y walang binubuklat.

Walang madali abutin,
Lahat paghihirapan,
Hanggang sa makuha ang mathiin,
Na maglalagay sa 'yo sa karangyaan.

Isang hakbang,
Patungo sa pangarap,
Isang hakbang,
Tagumpay ay malalanghap.

Lipad mo sa lupa'y kailangan unti-untiin,
Hindi kailangan madaliin.
Baka bumagsak ka,
Panibago na namang simula.

At ang lipad mo sa lupa ay gaganda,
Kung ikaw ay matiyaga.
Hindi manlalamang sa iba,
At manghahamak ng kapwa.

SPOKEN WORD POETRY (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon