INA

321 8 0
                                    

"INA"

Babaeng ating hinahangaan,
Babaeng ating pinapahalagahan,
Babaeng unang minahal,
At babaeng ating minamahal.
Ating Ina?
Boses nito ang maririnig natin sa pagsapit ng umaga,
Naalalarma tayo sa kanilang bunganga,
Natatakot tayo pag nag-umpisa na silang magsalita.
Babaeng may pusong mamon,
Pero tayo'y takot sa kanilang sermon.
Babaeng ginagawa ang lahat para sa kanyang supling,
Supling na ayaw niyang mawala sa kanyang piling.
Babaeng nagpapasaya  sa ating tahanan,
Babaeng nagmamahal sa atin ng buong katotohanan,
Babaeng minamahal pa natin ng lubusan,
At babaeng tinatangkilik natin hanggang katapusan.
Ina, nakakatakot man sila minsan,
Pero ang kanilang ginagawa ay para sa iyong kabutihan.
Nagagalit man sila,
Pero ito'y para itama ang iyong ginawa.
Nagagalit sila,
Kasi tama ang sinasabi nila.
Mother's knows best ika nga,
Kaya sundin natin sila.
Ina ng tahanan,
Ilaw ng tahanan,
Oh kung ano pa mang tawag sa kanila,
Ang mahalaga ay mahal natin sila.
Inang hindi sumusuko,
Inang ating kasama hanggang dulo.
Inang ating gabay,
Gabay sa lahat ng bagay.
Mommy, momsy, nanay, inang, mother, mama,
Oh kung ano pa mang tawag natin sa kanila.
Salamat ho sa inyo.
Kami ay nandito,
Para kayo'y mahalin hanggang dulo.
At tatapusin ko ito,
Sa mga katagang ito.
Maraming salamat INA.

-----
Happy mother's day sa lahat ng ina, tatay na tumatayong ina sa kanilang mga anak. Kami ay nagpapasalamat sa inyo.

Happy mother's day sa mama at ate ko na first time na magcecelebrate ngayon ng mother's day. I love you both.

SPOKEN WORD POETRY (COMPILATION)Where stories live. Discover now