Frontliners

650 5 4
                                    

"FRONTLINERS"

Covid19--
Sakit na kumakalat sa mundo,
Na umabot sa ganito,
Hindi alam kung paano,
Hindi alam kung hanggang kailan ito.

Frontliners--
Nagsasakripisyo,
Salitang naglalarawan sa mga taong ito.
Mga taong handang tumulong sa kahit na sino,
Mga taong handang mawala para sa'yo.

Araw-araw ay naglalakbay,
Tumutulong ng walang humpay,
Nakabaon ang kanilang mga paa sa hukay,
Para maligtas lamang ang iyong buhay.

Nalulunod sa pagod,
Pero patuloy na kumakayod.
Nahihirapan sa kanilang sitwasyon,
Pero nakatayo pa rin hanggang ngayon.

Mismong pamilya ay hindi nakakalapit sa kanila,
Hanggang tanaw na lamang sila,
Para hindi masayang ang pagod na pinaghirapan nila,
At hindi ito kumalat pa.

Malaking sakripisyo ang ginagawa,
Araw man o gabi ay lumalaban para mabuhay ang iba.
Hindi iniinda ang pagod na nararamdaman,
Para lang masagip ang mga buhay na maaaring mawala.

Mga taong nagsasakripisyo,
Dahil sa sinumpaang trabaho,
Lubos kaming nagpapasalamat sa inyo,
Para maligtas ang lahat ng tao.

Kaunting pagpupuri sa inyo,
Mga mahal naming frontliners.
Na hanggang ngayon ay nakatayo,
Malabanan niyo sana ito hanggang dulo.

Sa mga nawala,
Kayo'y hindi malilimutan,
Dahil nakatatak na kayo sa aming isapan
Mga sakripisyon niyo ay aming pinasasalamatan.

Maraming salamat sa inyo,
Aming mga bayani.

---

rashnid maraming salamat sa pag suporta sa compilation na ito. Sml.

SPOKEN WORD POETRY (COMPILATION)Where stories live. Discover now