Nahanap na kita

190 4 0
                                    

"Nahanap na kita"

Ang tagal kitang hinanap,
Kahit sobrang hirap,
Kinaya ko, makapiling lang kita.
Nabigo man ako nung una,
Pero hindi ako sumuko,
Kasi alam ko,
Pag sumuko ako, alam kong pagsisisihan ko ito.
Kaya pinili ko,
Pinili kong hanapin ka,
Kasi alam ko namang magiging masaya ako pag nakapiling na kita.
Nahanap na kita,
Nakita kita,
Sobrang saya,
Kasi sa wakas, makakapiling na kita.
Nahanap na kita,
Hindi na muli ako magiging mag-isa,
Kasi nandiyan kana,
Nandito kana,
At higit sa lahat kasama na kita.
Nahahawakan na kita,
Nayayakap na kita,
At nahahagkan na kita.
Ang sarap sa pakiramdam na nandito kana,
At sana hindi kana umalis pa.
Salamat, salamat paulit-ulit ko itong sasabihin sa harap mo,
Kasi sobra talaga akong naging masaya ng nandito kana sa piling ko.

SPOKEN WORD POETRY (COMPILATION)Where stories live. Discover now