Imahinasyon

347 5 0
                                    

Parehas ng kasarian,
Na naging mabuting magkaibigan.
Simpleng asaran,
Na nauwi sa tampuhan.
Tampuhang magiging dahilan para makita ang totoong katangian,
Katangiang magiging dahilan ng pagmamahalan,
Pagmamahalang hindi ko alam kong katotohanan.
Mahal, salamat sa perpektong relasyon,
Ngunit ito pala'y isa lamang imahinasyon,
Dahil tayo lamang ay matalik na kaibigan.
Pagmamahal 'kong ito ay walang patutunguhan,
Dahil ikaw ay may iba ng minamahal,
Pero sana maalala mong isang beses rin kitang minahal.

SPOKEN WORD POETRY (COMPILATION)Where stories live. Discover now