Ako... Tayo...

163 7 0
                                    

"Ako... Tayo..."

Sino ka?
Sino siya?
Sino ako?
Sino tayo?

Mga tanong na sarili ang makakasagot,
Mga tanong na minsa'y 'di alam ang sagot.
Alam pero itinatangging pilit,
Dahil sa mga taong sarado ang isip.

Takot ang iilan,
Takot na mahusgahan
Takot na masaktan
Takot na pinilipili na lang itago,
Dahil sa mga tao...
Mga taong panghuhusga lang ang kasiyahan,
Mga taong tingin nila ay nasa perpekto silang katayuan.

Sino nga ba tayo?
Ikaw ay ikaw,
Sila ay sila,
Tayo ay tayo,
At ako ay ako,
Hindi masama kung sino tayo,
Hindi masama na ganito tayo,
Hindi masama ipakita ang sarili,
Hindi masama ipagmalaki ang sarili.

Straight ka,
Tomboy ka,
Bisexual ka,
Bakla ka,
Wag mong ikahiya,
Ipakita mo sa buong mundo kung sino ka,
Wag kang matakot sa mga panghuhusga,
Dahil mas masaya kung totoong masaya ka.

Hindi ka magiging masaya kung puno ka ng takot,
Hindi ka magiging masaya kung papakinggan mo ang mga taong palaging nananakot,
Hindi ka magiging masaya kung lagi kang nakatago,
Hindi ka magiging masaya kasi hindi ka kontento.

Kasi ako...
Ako na takot din noon,
Pero masaya na ngayon.
Nangangamba sa sasabihin ng iba,
Pero sobrang saya na.
Takot baka hindi matanggap ng pamilya,
Pero nakikita kong masaya sila.
Hindi mo malalaman kung 'di ka gagawa ng paraan,
Hindi mo malalaman kung 'di mo susubukan.

Palayain kung sino ka,
Ipakita kung sino ka,
Hindi sila ang kalaban,
Kundi ang sarili mong nararamdaman.

SPOKEN WORD POETRY (COMPILATION)Where stories live. Discover now