BABANGON TAYO

582 7 0
                                    

"BABANGON TAYO"

🎶Babangon tayo,
Susulong tayo,
Anumang pait ang dinaranas mo,
May ngiting sasalubong sa iyo,
Babangon tayo. 🎶

Aking kaibigang nasaktan sa pag-ibig,
Kaibigang nag-iisang umiibig.
Mga kaibigan na nahihirap
Nahihirapan sa buhay na parang walang patutunguhan.
Kaibigan na maling landas ang tinahak,
At ngayo'y 'di makahalakhak.

Sa mga araw na dumadaan,
Nilalamon din tayo ng kalungkutan.
Ang raming problema,
Paano tayo liligaya?
Paano tayo tatawa?
At paano rin ba ito mawawala?

'Wag magmukmok,
'Wag magpakalugmok.
'Wag hayaan na lamumin ng problema,
Matutong lumaban para sumaya.

Maging positibo,
At wag magpalamon sa negatibo.
Sarili ang kalaban,
Sarili rin ang lalaban.

Maging matapang ka,
Maging malakas ka,
Maging matatag ka.

🎶Babangon tayo,
Susulong tayo,🎶
Katulad sa kanta.
Kumilos ka,
Gumawa ka,
Huwag mong ilugmok ang sarili,
Sa problemang kaya namang itaboy,
Para maging maayos ang sarili.

🎶Anumang pait ang dinaranas mo,
May ngiting sasalubong sa iyo,🎶
Anumang problema mo,
May mga taong naniniwala sa'yo,
Na kaya mong lagpasan ang mga problema mo,
At kaya mong tumayo.
Ngingiti sila sa'yo,
Dahil may tiwala sila sa'yo.

🎶Babangon tayo.🎶
Paulit-ulit 'kong sasabihin na bumangon tayo,
Ngumiti tayo,
Problema lang 'yan,
Kaya nating solusyunan.
Sumulong tayo,
At wag magmukmok sa problema.
Dahil kaya natin 'to,
Kaya nating lagpasan 'to.
Magtiwala ka lang sa sarili mo,
At sama-sama tayo.

SPOKEN WORD POETRY (COMPILATION)Where stories live. Discover now