Gusto kita, gusto mo siya

236 4 0
                                    

"Gusto kita, gusto mo siya"

Gusto kita,
Matagal na,
Pero gusto mo siya,
Wala na nga talaga.
Patuloy akong umaasa,
Pero wala na talagang pag-asa.
Gusto kita,
Gustong gusto kita.
Ako na lang, wag siya,
Papasayahin kita,
Higit pa sa ginagawa niya.
Kaya kong gawin lahat,
Para ako'y maging sapat,
Sapat sa iyong buhay,
Para ito'y maging makulay.
Gusto talaga kita,
Ano ba dapat kong gawin para kalimutan ka?
Kahit gustong-gusto ko makalimutan ka,
Bakit patuloy ka pa ring pumapasok sa isip at puso ko,
Puso kong nakalaan para sayo,
Sana naman tulungan mo ako.
Na mawala ka sa buhay ko,
Kasi nasasaktan na ako,
Sa mga nangyayaring kabaliwan ng puso ko.
Gusto kita,
Pero gusto mo siya,
Sana maging masaya ka,
Sa piling ng iba.

SPOKEN WORD POETRY (COMPILATION)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin