Kaibigan

659 5 0
                                    

"Kaibigan"

Kaibigan,
Ito yung salitang pinapahalagahan,
Salitang kailangang alagaan,
At salitang dapat ingatan.
Tunay na kaibigan,
Sila yung kaibigang di ka iiwan.
Sila yung tinatakbuhan mo,
Sila yung nakakasama mo,
At higit sa lahat sila yung nandiyan parati sa tabi mo.
Sila yung nasasabihan mo ng mga mabibigat na problema,
Lalo na pag hindi mo ito masabi sa iyong pamilya.
Sila yung nagtatanggol sayo,
Pag may umaapi sa iyong ibang tao.
Sila yung pinapangiti at pinapatawa ka,
Pag alam nilang malungkot ka.
Sila yung baliw pag magkakasama na kayo,
At hindi iniintindi ang ibang tao.
Handa nilang gawin lahat ng kabaliwan,
Para sa inyong pagkakaibigan.
Sila yung ayaw kang apihin ng iba,
Kasi gusto nila sila gagawa,
Yung ayaw nilang asarin ka ng ibang tao,
Kasi gusto nila, sila gagawa no'n sayo.
Ang sarap magkaroon ng tunay na kaibigan
Kaya kung meron ka man nito, wag mo ng pawakalan.
Maswerte ka dahil maron ka nito,
Dahil ang ibang tao ay hirap na hirap makahanap nito.
Tunay na kaibigan,
Alagaan at pagkaingatan,
Dahil pag sila ay nawala,
Alam mong magsisisi ka.

SPOKEN WORD POETRY (COMPILATION)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora