Random 3

208 3 0
                                    

Natatakot,
Nakakakilabot,
Hindi ko alam kung bakit nandito na naman
At hindi ko na naman ito malabanan.

Iba-iba ang nararamdaman,
Halo-halo ang nasa isipan,
Hindi ko mailabas,
Nauubusan na ng lakas.

Bakit walang isang nakakaalam?
Hindi ko na kaya,
Gusto ko na magpaalam,
Gusto ko na magpahinga.

Gigising sa umagang walang gana,
Gusto na lang maghapong humilata,
Magmumukmok sa isang tabi,
At iiyak tuwing gabi.

Araw-araw ay ganyan na lang,
Hindi ko alam kung anong klase akong nilalang.
Tao pa ba ako?
O ano?

Pinipilit ko namang maging masaya,
Oo, nakaramdam ako ng saya,
Pero ito'y panandalian,
Dahil lungkot naman ang lumulukob sa hulian.

Ilang taon ko itong naramdaman,
At hindi ko alam kung paano nalampasan.
Siguro ay dahil sa mga taong nandiyan,
Na bigla na lang dumating na hindi ko inasahan.

Mga taong akala ko ay ordinaryo,
Pero nagkamali ako,
Dahil sila ang tumulong,
Sa isang tulad kong kailangan ng tulong.

Hindi mo kailangang mag-isa sa laban,
Hindi mo dapat itago sa sarili ang mga problema,
Dahil may mga taong handa kang samahan.
May mga taong handa kang damayan.

Nakaramdam ka man ng lungkot ngayon,
Pero darating ang panahon,
Nakangiti kang haharap sa mga tao,
At sasabihing "kinaya ko at kakayanin ko."

SPOKEN WORD POETRY (COMPILATION)Where stories live. Discover now