Natukso lang ako

214 5 0
                                    

"Natukso lang ako"

Natukso lang ako,
Bakit lahat ng maloloko sinasabi 'to.
Natukso lang ako,
Ang laking salita naman niyan, natukso.
Kung alam mong tinutukso ka niya,
Bakit ka pa lapit ng lapit sa kanya?
Kung nararamdaman mong tinutukso ka niya,
Bakit patuloy ka pa ring nakikipag-usap sa kanya?
Natukso ka lang?
Ang kapal naman ng pagmumukha mong sabihing natukso ka lang,
Kasi sa una palang, alam mong may kasintahan ka.
Pero ano? Patuloy ka pa rin sa ginagawa,
At kung mahal mo ang kasintahan mo,
Dapat wala kanang oras sa mga kalandian ng ibang tao.
Kasi dapat buong-buo,
Buong-buo mong ibibigay ito sa taong mahal mo.
Napasaya ka niya sa konting oras,
Pero ang mahal mo ang nagpapasaya sayo sa lahat ng oras.
Nakasama mo siya ngayon,
Pero ang mahal mo ang kasama mo sa lahat ng pagkakataon.
Anong ginawa mo?
Sinayang mo,
Kasi sabi mo natukso ka,
Tinutukso ka at natukso ka,
Ang laki namang salita niyan,
Kasi yung sinimulan niyong pagmamahalan,
Nasira dahil sa salitang natukso lang ako.
Oo at oo natukso lang ako,
Paulit ulit mong sinasabi sa harap niya,
Pero huli kana,
Kasi kung ikaw natukso ka,
Siya naman ay pagod na.

SPOKEN WORD POETRY (COMPILATION)Where stories live. Discover now