Realquick

194 3 0
                                    

"Realquick"

Sisimulan ko kung saan tayo nagsimula...
Naalala mo nung una tayong nagkita,
Nagkatitigan at nagkangitian,
Kinuha ko ang iyong kamay at hinawakan,
Nagpakilala ako sayo,
At gano'n din ang ginawa mo.

Isang beses kang ngumiti ulit sakin,
At doon na lumala ang pagtingin,
Hindi ko alam bakit napakabilis ng pangyayari,
Hindi ko talaga ito mawari.

Noong una ay magkaibigan,
Hanggang sa magkasintahan,
Bes to baby kumbaga,
Realquick sabi ng iba.

Masaya,
Ganyan tayo no'ng una
Masaya,
Ganyan tayo pag tayo'y magkasama.
At masaya,
Pag tayo'y naglalambingang dalawa.

Pero pinalaya kita,
Naging malaya ka,
Kasi dati kung bes to baby tayo,
Ngayon baby to stranger na tayo.

Realquick nga,
Realquick nga ang nangyari sa'ting dalawa.
Bakit pa nauso ang salitang 'yan?
Ah oo, alam na alam ko na kung bakit nga ba,
Kasi tulad ng nangyari sating dalawa,
Gano'n din ang mangyayari sa iba.

Ang sakit kasi realquick lang tayo,
Realquick sa mundong 'to.

SPOKEN WORD POETRY (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon