Winasak niya

149 3 0
                                    

"Winasak niya"

Kung umibig ka ay wagas,
Na ibunubuhos ang buong lakas,
Akala mo'y walang wakas,
Ngunit siya'y umatras.

Pisnging basa,
Luhang bumagsak ng kusa,
Ika'y lumuhang mag-isa,
Tumangis na parang bata.

Ubos na ang mga luha,
Parang natuyo na ang mga mata.
Nagsimula ng magtanong sa sarili,
Hindi ito nararapat hanggang sa huli.

Kaunting pag-asa para'y bumangon,
Ito'y agad sinunggaban,
Hindi na nag-alinlangan,
Para hindi na tuluyang mabaon.

Binaon mo na sa limot,
Ang sakit na idinulot.
Hindi siya nararapat,
Sa puso mong sapat.

Tama ang desisyon mong tinahak,
Ika'y dating wasak,
Na ngayong masaya na,
Dahil buo ka na.

Sarili'y ang humulma,
Sa pusong dating winasak niya,
Ngayo'y buong-buo na,
At totoong ngiti ang pinapakita sa iba.

SPOKEN WORD POETRY (COMPILATION)Where stories live. Discover now