Dahan

164 5 0
                                    

"Dahan"

Unang pagkikita,
Ay katumbas ng sobrang saya.
Dahan-dahan kitang nilapitan,
Kasabay ng pagyakap ko sayo ang pagbilis ng tibok ng aking puso dahil sa nararamdaman.
Hindi maipaliwanag ang nadarama,
Tuwing tayo'y nagkikita,
Dahan-dahan ang mga nangyayari sa atin,
Dahan-dahang napupunta ka sakin.
Sa loob ng maraming araw at buwan,
Tayo lamang ay masaya at walang nasasaktan.
Pero bigla itong nagbago ng makita mo siya,
Siya na nagbibigay ngayon sa iyo ng saya.
Hindi ko man kaya,
Pero kailangan nating lumayo sa isa't-isa.
Dahan-dahan akong nasasaktan,
Dahan-dahan kitang binibitawan.
Kahit na sobrang nasasaktan ako,
Dahil simula sa araw na iyon ay wala ng magiging tayo.
Dahan-dahan kitang pinagmamasdan,
Dahan dahan kita sinusulyapan,
Habang ikaw ay lumalayo ,
Palapit sa bago mong pinagalayan ng iyong puso.

SPOKEN WORD POETRY (COMPILATION)Kde žijí příběhy. Začni objevovat