17. RUMORS AND OPINIONS

1K 72 19
                                    

ㅡ이 THIRD PERSON

Astor High's Cafeteria, North

Nang makita ng isang babaeng estudyante ang kaibigan niyang nakaupo mag-isa sa cafeteria, agad niya itong nilapitan para ibalita ang nasagap na chismis na narinig din niya mula sa mga nagchichismisang estudyanteng nadaanan niya kanina.

Mahina niyang kinalabit ang braso ng babaeng nakatutok ang tingin sa screen ng cellphone. "Uy, Alexandra!" bungad nito saka daliang umupo sa kaharap na upuan at inilapag ang dalang tray ng pagkain.

"Mm, Robelyn?"

"Nabalitaan mo na ba 'yung nangyari kahapon sa Avilla? Kalat na sa buong campus oh!"

Nakuha naman ng babae ang atensiyon ng kaibigan na napababa ang pagkakahawak sa cellphone. "Ehh? Anong kalat na? Anong tungkol sa Avilla? Anong nangyari?" sunod-sunod na tanong ng babaeng si Alexandra sa kanyang kaklase.

"Jusko! Yan kasi, puro ka na lang cellphone. Try mo ngang basahin ang forum natin. Ako na lang palaging nagbabalita ng mga kaganapang dito sa mundo eh!"

Tinaasan niya naman ng kilay ang kaibigan. "Kasalanan ko bang pinanganak kang chismosa?"

"Excuse me, hindi ako chismosa, sadyang matalas lang talaga ang pandinig ko noh! Well anyways, hindi ka maniniwala sa nangyari." anito saka tinangkay ang buhok sa likod ng tenga.

"Ano na?" inip na tono nito na nag-aabang sa sasabihin ni Robelyn.

Lumapit naman ng dahan-dahan si Robelyn sa kaibigan. "Naaalala mo pa ba 'yung kapatid ng Queen Bee natin dito?"

Mataray na tinaas ni Alexandra ang kanyang kilay. "Yeah, of course, that bitch Daedala, right? What about her?"

"Kalat na sa buong eskwelahan natin na tinulak niya daw mula sa rooftop ang Vice President ng Avilla at ngayon ay nasa hospital at kritikal ang kalagayan!" wika nito.

"What?! Are you sure?" gulat na tanong nito sa kanya.

"Oo! Check mo pa forum natin! Lahat ng komento doon halos tungkol lahat sa kanya."

Dalian namang binuksan ni Alexandra ang forum site ng section nila at nagulat nang umulan ito ng mga notifications tungkol sa mga komento ng kanyang mga kaklase tungkol sa nangyaring insidente sa Avilla.

The heck is happening?

Nanliit ang dalawang mata niya nang binasa ang mga naabutan niyang komento ng mga kaklase sa forum.

@Esmeraldos: 'Di ba sinabi ko sa inyo na may sayad 'yun sa utak! HAHAHAHAHA tingnan niyo na lang ang kagagahang ginawa niya.

@Freyaid_chicken: Nakakahiya siya!

@Lu-chan: Buti na lang at sa ibang eskwelahan niya ginawa ang kabaliwan niya. Kung 'dito pa 'yun, talagang wasak pisgne niya.

@Hakkenu: BWAHAHAHA!

@Nilalang: She will surely be a dead meat by now. No more packining chances!

@FactYou: DYK, she's an obsessed bitch who's stalking our Leader Hadeon for years until now. Last year siya nahuli at nalantad ang kabaliwan niya then nag-file siya ng letter of transfer at napadpad sa Avilla. Tch! Sayang lang buhay pa siya. Grrrr!

@PaoLal: @FactYou alam namin! Tangina mo! Bayaran mo utang mo Mae ah!

@FactYou removed a message

𝙎𝙝𝙚'𝙨 𝙖 𝘽𝙚𝙖𝙪𝙩𝙮 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝘽𝙧𝙖𝙬𝙣Where stories live. Discover now