3. TRIGGER

1.5K 117 10
                                    

TRIGGER

DAEZ

Ilang minuto pa lamang ang lumipas at napansin kong bumabagal na ang mga ginagawang pag-atake nila. Humihingal na din ang mga ito na pagod na sa kakasuntok at kakahampas na hindi naman nakakapuntirya.

They looked more beaten up than I am. How could that possible? Eh, iniilagan ko na nga lang ang mga suntok at hampas nila.

"Alam niyo, mas mabuti pang magsialisan na lang kayo dito, mukhang nagsasayang lang naman kayo ng oras eh. Wala naman kayong mapapala sa akin and I don't like to play with you guys. Bagong gising pa ako." wika ko sa kanila bago pinagkrus ang dalawang kamay sa dibdib habang nakatingin sa kanila.

"HINDI KAMI TAKOT!"

Napalingon ako sa likuran ko nang sumigaw ang lalaking dumudugo ang ilong sa suntok ko kanina.

"LALONG-LALO NA KUNG IKAW ANG KALABAN NAMIN!"

Puno ng galit na sinugod niya ako at marahas na hinampas ang harapan ko ng baseball bat. Daling inilag ko naman ang mukha ko saka binigyan siya ng isang malutong na sipa sa panga. Nakita ko ang paglabas ng ngipin nito sa ere kasabay nang pagdalak ng dugo.

"Stupid. Sinabi ko bang takot kayo? I'm just concerned about your health, that's all."

Nang makakita ng tyempo ang mga lalaki sa likuran ko ay sinugod nila ako patalikod. Hahampasin na sana ako ng kahoy nang maunahan kong tandyakan ang isa sa kanila at kinuha ang hawak nitong kahoy saka hinampas sa leeg ng isa pang lalaking kasama niyang sumugod.

May napansin akong humablot patalikod sa nakatali kong buhok. Nakita ko naman ang lalaking may dalang kutsilyo na mahigpit na hinahawakan ang nakapulupot kong buhok.

May inis na tiningnan ko ang mukha niya saka inataki. Una kong kinuha ang kanyang kamay na may hawak na patalim saka binaluktod ito kaya nabitawan niya ang kutsilyo at nahulog. Kasunod nito ay mahigpit kong ng hinawakan ang kamay niya kaya nabitawan niya ang buhok ko saka ko siya binalibag ito sa sahig.

Narinig ko ang pagdaing niya sa sakit. I'm about to turn my sight when a knife suddenly appeared in front of me. I slowly turned my head and glare at the guy who's about to stab my face. Inagaw ko ang hawak niyang kutsilyo at hinigit ang leeg niya saka mabilis na tinuhod ang panga.

Naramdaman ko rin na may susugod sana sa gilid ko kaya inunahan ko ito ng sipa sa tuhod. I heard a loud cracked as I kicked him, the second time.

Tinignan ko ang paligid saka humakbang papalapit sa kanila. Napaatras naman ang mga ito na parang kinikilatis ang susunod kong galaw.

I sighed. "Kayo lang ang nasasaktan dito eh. Are you all blind or what?"

Hindi naman sumagot ang mga ito.

Tch. Whatever.

Tumalikod na ako at maglalakad na sana papasok sa gate nang may biglang humawak ng mariin sa balikat ko.

"Hindi ka aalis."

Nilingon ko ang lalaki. This guy's skull is hard. Damn him!

"HINDING-HINDI KA AA--"

Hindi ko na siya pinatapos pa at tinuhod ang alaga niya. Namimilipit naman ito sa sakit habang napaluhod sa sahig na nakahawak sa parteng tinuhod ko.

"FUCK!" daing niya habang nakaluhod.

Binigyan ko siya ng tingin. "Ikaw, hindi ka na nakuntento sa tinamo mo kanina."

Tiningnan ko din ang mga lalaking nakapalibot na mukhang naapektohan sa sitwasyon ng kasamahan nilang namimilipit ngayon sa sakit.

𝙎𝙝𝙚'𝙨 𝙖 𝘽𝙚𝙖𝙪𝙩𝙮 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝘽𝙧𝙖𝙬𝙣Where stories live. Discover now