5. SCARLET ISLAND

1.2K 100 15
                                    

ㅡ어 THIRD PERSON

Scarlet Island. Isang pribadong isla na pagmamay-ari ng isang bilyonaryong babaeng walang sino man ang nakakakilala. Isang isla na walang sino man ang nakakaalam sa mga kaganapang nangyayari sa loob.

Crimson. Isang training facility na nagsasanay ng mga kabataang may potensyal na maging top class fighters, mga ispiya, o mga taong gusto lang hasain ang kanilang kakayahan.

Mahigit limampung katao lang ang sinasanay ng organisasyong iyon, ang organisasyong pinapatakbo ng babaeng si Lady Scarlett.

Lahat ng mga batang nagsasanay doon ay ipinasok ng kani-kanilang mga magulang na mga kilalang tao, mga milyonaryo o bilyonaryo, mga nasa politika, at mga taong may posibilidad na malagay sa piligro ang buhay ng kaniyang anak o pamilya.

Ang Crimson, pasilidad ng pagsasanay ay ang tungkulin na hasain ang abilidad ng bawat bata sa pakikipaglaban gamit ang mga iba't ibang klaseng armas, patalim, mga pagsasanay na pisikal at pangkaisipan, pati na rin ang disiplina sa sarili.

Hindi alam ni Athena kung bakit siya nandoon sa lugar na iyon.

Hindi niya maalala kung sino ang mga magulang niya.

Hindi niya alam ang buong pagkatao niya.

Ngunit, isa lang ang nakatatak sa isipan niya mula pagkabata hanggang ngayon.

Nanggaling siya sa Scarlet Island.

TWELVE YEARS AGO...

"'Yan lang ba ang kaya mo, Athena?" panghahamong wika ng babaeng nakasuot ng pulang kasuotan at pulang sombrero.

"H-hindi ko na po talaga kaya L-lady Scarlett. N-nagsisimula na pong mamanhid ang kamay at braso ko. N-napapagod na po ako. A-ayoko ko na po dito." mangiyak-ngiyak na wika ng batang babae bago ibinaba ang dumudugong kamao.

"Sinabi ko bang tumigil ka?" malamig na sambit ng babaeng may hawak na pulang orasan sa kamay.

𝙎𝙝𝙚'𝙨 𝙖 𝘽𝙚𝙖𝙪𝙩𝙮 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝘽𝙧𝙖𝙬𝙣Where stories live. Discover now