13. ACCUSATION

830 69 4
                                    

ㅡ어 THIRD

"Bye, Pres!" paalam ng dalagang may braided na buhok at may katangkaran na si Audry, ang School Auditor.

"Alis na kami, bye Aleah!" paalam din ng estudyanteng may maraming clips sa buhok at kikay tignan na si Peach, ang Peace Officer ng campus sabay wagay-way sa kamay niya.

Ginantihan ni Aleah ng ngiti ang mga ito habang abala ang kamay sa pag-aasikaso ng mga papel.

"President!" mabilis niya itong binuksan at nagmamadaling pumasok ang isang dalagang may maiksing buhok na si Trisha, ang Treasurer sa eskwelahan.

"B-bakit? May nangyari ba?" nagulat naman si Aleah nang makitang kumaripas ng takbo si Trisha papunta sa kanyang harapan.

Hingal na inilapag ni Trisha ang papel na hawak sa mesa saka hinawakan ang dibdib. "P-pinapahatid lang ni Ma-ma'am Vivi sa 'yo." aniya sa pagitan ng mga hingal.

Kinuha ni Aleah ang nilapag na papel ng dalaga. "Salamat." then, she smiled.

Ngumiti at tumango naman ang babae at nagpaalam sa kanya saka daling tumalikod.
"Hoy, Audry! Peach! Hintay nga kayo!" sigaw niya saka hinabol ang dalawa.

Mahina napatawa si Aleah habang tinitingnan ang likuran ng tatlo. "Ang tagal mo kasi eh, alam mo namang pupunta pa tayo sa bagong bukas na arcade ngayon." wika ni Peach.

"Oo nga, naglinis pa nga kami dito eh tapos wala ka pa rin. 'Di ka nga rin tumulong sa paglilinis." siil din ni Audry.

Napakamot na lamang ng ulo si Trisha saka mahinang tumawa. "May ginawa nga ako. Tinulungang ko si Ma'am Vivi sa opisina niya."

"Mmm, talaga lang ah."

"Oo nga!"

"Huwag kayong lumagpas sa curfew ah." pagpapaalala ni Aleah sa mga dalaga.

"Opo, President!" they all chorused.

Alas-6 ang curfew ng mga estudyante sa Avilla. Ipinagbabawal na lumagpas ang kahit sinong estudyante sa itinakdang oras kung hindi ay may kaparusahang matatanggap. Wala pa lang alas sais ay dapat nasa loob na ang mga kababaihan sa kani-kanilang dorm, o sa kani-kanilang tahanan.

Napatingin si Aleah sa labas ng bintana. Nakita niya ang iilan na lamang na estudyanteng papalabas. Tiningnan niya ang kanyang orasan sa kamay saka nagpatuloy na sa kanyang ginagawa. Nang ilapag na niya ang mga makapal na papel ay napahikab siya saka tumayo na. Siniguro niyang nakasara ang mga bintana at ang pintuan. Aalis na sana siya nang mapansin ang tumutunog niyang cellphone sa bulsa.

YOU GOT ONE MESSAGE...

FROM Leslie: Punta ka sa rooftop ng first building. May sasabihin ako sa 'yo.

Nagtaka naman ang dalaga.

Akala ko ba nakaalis na siya. Napabugtong hininga na lamang siya saka napangiti.

"Knowing na si Leslie 'yun, siguradong tungkol na naman 'yun sa concert na dadaluhan niya." bulong nito saka matamis na ngumiti

. . .

ㅡ어 ALEAH

Nasa harapan ko na ang pintuang papasok sa itaas na bahagi ng first building. Huminto muna ako saglit dahil sa hingal kadahilanan nang pag-akyat ko sa bawat hagdan.

Nakakapagod talagang umakyat sa hagdanang ito. It almost takes my breath away. Ho!

Inayos ko muna ang postura ko saka binuksan na ang pinto.

𝙎𝙝𝙚'𝙨 𝙖 𝘽𝙚𝙖𝙪𝙩𝙮 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝘽𝙧𝙖𝙬𝙣Onde histórias criam vida. Descubra agora