12. CONFRONTATION

890 65 4
                                    

ㅡ어 THIRD PERSON

Habang abala sa pakikipaglaban ang dalawang dalagang sina Daez at Jurien, nasa cafeteria naman si Aleah kasabay si Daedala. Matapos ang pag-uusap nina Leslie ay tumungo na si Aleah sa mesa kung saan nakaupo ang sekretarya.

Hindi pa rin maiwasan ni Leslie na hindi tingnan minu-minuto ang babaeng si Daedala na abala sa pakikipagkwento ng kung ano sa kaibigan niyang si Aleah. Nakita niya kung paano makipag-usap at ngumiti ang babaeng may mapupulang mga labi kay Aleah at walang pagdadalawang isip na sinagot naman ni Aleah ito na may ngiti sa mga labi, iyon ang naging dahilan sa pag-irap ni Leslie habang nakaupo sa kanyang upuan.

To think that Daedala recently transferred here in Avilla, and that's how she treated that girl already? She is careless!

Magkasalubong na kilay na kinain niya ang pagkain. Ininom niya ang iced tea saka padabog na nilapag ito sa kanyang mesa.

I'm sure na siya 'yun! No doubt about it. That two-faced bitch!

TWO WEEKS AGO. . .

"Look! Ang gaganda nila!" masayang tili ni Aleah habang nakatitig sa mga gold fish na lumalangoy sa malaking aquarium tank.

Hindi ko mapigilang hindi napangiti nang makita ko ang reaksyon niya. Parang ngayon lang siya nakakita ng gold fish sa buong buhay niya eh.

"Yeah, they look great." komento ni Daez.

"Hindi ba masyadong maliit ang aquarium para sa sampung gold fish?" wika ni Jurien habang nakatingin din sa aquarium kasama ni Aleah.

"It's actually big enough for them. Teka lang, naliliitan ka ba sa binili mong aquarium, Jurien."

"Kinda." sagot niya habang hindi pa rin inaatras ang mukha na malapit sa harapan ng aquarium.

Napatingin naman ako kay Jurien.
Iba talaga kapag rich kid.

"Baka matakot ang mga isa sa mukha mo, Jurien." ani Daez.

Napataas naman ng kilay si Jurien. "Paano mo naman nasabi, aber?"

"Look at them." turo niya sa mga gold fish. "tinititigan ka nila na may takot sa mukha."

Ngumisi naman si Jurien na para bang nakarinig ng puri. "I'm just charismatic, that's all. Pati nga mga gold fish gustong ata akong jowain."

Daez rolled her eyes. Nakita ko naman ang pagngisi ni Aleah na nasasayahan sa narinig mula sa dalawa.

Mukhang normal na 'tong sitwasyon kay Aleah ah. She seems used to it.

Habang nakatutok sa aquarium ang kanilang atensyon, I cleared my throat at ayon, naagaw ko ang atensyon nila.

"Let's name them." nang sabihin ko iyon ay parang naman kumislap ang mga mata ni Aleah.

Babaw ng kaligayahan ng babaeng 'to.

"Really?!" aniya.

"Game! So, 'yung malaking tiyan diyan sa gilid, siya si Daez!" natatawang sabi ni Jurien saka tinuro ang malaking gold fish sa gilid.

𝙎𝙝𝙚'𝙨 𝙖 𝘽𝙚𝙖𝙪𝙩𝙮 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝘽𝙧𝙖𝙬𝙣Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon