"Jaide, masaya ako dahil pinaunlakan mo ang imbitasyon ko," Sir Villanueva smiled at me after my discussion with the students. Kilala ko si Sir Villanueva dahil siya ang school paper adviser ng Sci High noong panahon pa namin. Hanggang ngayon pala ay dito pa rin siya sa paaralang ito nagtuturo.


"It's an honor po, Sir. Mabuti at wala akong naka-schedule sa araw na ito," I let out a giggle.


"O siya sige. Halika at kumain muna tayo ng lunch sa faculty room. May inihanda para sa mga bisitang inimbita."


Tumango ako. Iginiya niya ako patungong faculty room at nakita ko nga roon ang ibang mga bisita. Isa-isa ko silang kinamayan at ang ibang mga teachers ay nagpa-picture pa sa'kin.


"Nasaan ang paborito kong cartoonist?" si Sir Villanueva sa mga kapwa niya guro.


Nagpatuloy ako sa pagkuha ng pagkain habang kausap ang isa pang guest speaker na naimbitahan nila.


"Tinawag sa taas. Gusto yatang magpa-picture ng mga girls sa grade 12," humagikhik ang guro. Maya-maya pa'y natigilan sila sa pagtawa. "Oh, ayan na pala si Cali! Anak, kumain ka muna rito!"


Napaharap ako sa pintuan dahil sa narinig na pangalan. Akala ko ay nagkamali lang ako ng rinig pero nakita ko nga siya sa may doorstep. Naka-blue long sleeved polo siya na naka-tuck in sa itim na slacks. May belt siya at naka itim na sapatos. Inilibot niya ang tingin at nagtama ang mga mata namin. Umiwas ako at nagpatuloy sa pakikipag-usap sa katabing babae.


Naupo siya sa kabilang table, kasama ang mga dati niyang guro. Ingat na ingat akong hindi makihalubilo sa mga kausap ni Cali pero mukhang walang preno ang bibig ni Sir Villanueva. Talagang kinwento pa ang nakaraan!


"Noong kabataan nitong si Cali, napakahusay gumuhit! Alam na alam kong magiging mahusay na arkitekto siya! Tingnan mo ngayon. Napaka-gwapo at habulin na ng mga babae!" si Sir Villanueva.


"Salamat po, Sir. Galing niyo pong coach eh. Na-miss ko tuloy bigla ang journalism," napakahusay talagang mang-uto nitong si Cali. Napakamabulaklak ng dila.


"Baka namang ang dating photojourn ng Letran ang na-miss mo!" humalakhak ang guro.


Natigil ako sa pakikinig sa kausap ko nang marinig 'yon mula sa grupo nila. Napatingin ako sa kanilang gawi at nakitang sa akin na nakadiretso ang atensiyon ni Cali. Napainom ako sa juice ko dahil doon. Nakaramdam ako ng init kaya hinubad ko muna ang suot na blazer at naiwan sa sleeveless red blouse.


"I heard you two dated in college ah. Ano nga ulit ang pangalan noon?" isa pang guro na pamilyar sa'kin pero hindi ko matandaan ang pangalan.


"Jaide Alastair," si Cali.


Oh shit!


"Jusmiyo Corazon!" sigaw ni Sir Villanueva. "Ako'y patawarin sa pagiging makakalimutin. Nasa kabilang table lang pala ang iyong nobya! Pasensya na, anak, matanda na ang teacher mo."

Downfall of the Ace (Series of Epitome 1) : COMPLETEDWhere stories live. Discover now