06

73 7 4
                                    

Kabanata 6

Help


Medyo madilim na nang tumigil ang motorbike na sinasakyan namin sa tapat ng bahay. Inalalayan pa ako ni Cali habang bumababa. I removed the helmet and handed it back to him. Nanatili lamang siyang nakasakay sa motor.


"Thank you. Sorry sa abala," mahinang sabi ko kay Cali. Hindi naman siya sumagot at tumango lang. Tumitig naman ako sa kaniya.


Gusto ko siyang tanungin. Kailan kaya kami susunod na magkikita? Baka sa DSPC na ulit? That would be a month from now.


"Do you... want to ask something? You seem bothered," marahang tanong niya. Napansin yata ang titig ko.


"Lagi ka bang nasa coffee shop?" alanganing tanong ko sa kaniya.


Nagtaas siya ng isang kilay at ngumisi, "Why? You want to see me?"


Hindi ako sumagot at nag-iwas na lang ng tingin. Gosh, I probably look dumb right now.


He licked his lower lip and let out a chuckle.


"I'll try to go there on Friday, pagkatapos ng exams namin."


Ngumuso ako saka tumango. Mahigit isang linggo ko siyang di makikita. Ang tagal!


It was Wednesday afternoon when I decided to finish my research paper inside the same coffee shop. Hindi ko alam na kailangan na pala itong ipasa bukas. Masyado akong naging abala sa pagrereview para sa mga nakaraang quiz namin. Hanggang Results and Discussion ang kailangang ipasa pero nasa Related Literature pa lang ako. I need to finish three chapters today. Buti na lang at half day lang kami ngayon.


In front of me was my laptop and bunch of books related to my study. Alam kong gulo-gulo na ang buhok kong nakaipit ng ponytail. Paniguradong maputla na rin akong tingnan dahil hindi ako nakapag-ayos bago lumabas ng school.


At kung minamalas pa nga naman... Kung kailan ako mukhang haggard na lola saka ko pa nakita ang crush ko. Akala ko ba sa Friday pa siya rito sa café? Scammer ang lolo n'yo! Mukhang nagulat siya na narito ulit ako. Dahil ba sa presensya ko kaya siya nagulat? O dahil mukha na akong lantang gulay?


Hindi ko na siya pinansin dahil nagc-cram na ako. Ayokong magpuyat nang husto mamayang gabi, or else lutang ako sa mini thesis-defense namin. Itinuon ko ang atensyon ko sa paghahanap ng related literature dahil ito ang pinakamahirap gawin.


"Hi, Alastair!" bati niya. Naglapag siya ng isang tray na laman ay isang matcha frappe at dalawang slice ng oreo cheesecake. Pinagmasdan ko siya habang inilalapit ang isang platito ng cheesecake sa'kin. I assumed, he bought it for me.


"Wow! You're using my second name now, huh? Close tayo?" pambabara ko sa kaniya.


Inilayo niya ulit ang platito mula sa'kin. "Okay, fine. Di tayo close. Sa aso ko na lang 'to."


Downfall of the Ace (Series of Epitome 1) : COMPLETEDWhere stories live. Discover now