14

80 7 3
                                    

Kabanata 14

Night Sky


Sunrays blinded me when I woke up inside my room. I glanced at the clock on the bedside table and it's already nearing eleven-thirthy. I slept early yesterday night after talking to Cali through the phone. Kahapon pa kami nakauwi mula sa Pangasinan.


Sa kotse ni Cali ako sumakay dahil gusto raw ni Cyrielle na makasama pa ang mga kaibigan ko, kaya sa limousine van ni Isaiah siya sumabay. Isa pa, iyon ang gusto ng mga kaibigan ko matapos nilang malamang na manliligaw ko na si Cali.


"Hay! Sa wakas, hindi na torpe ang brother ko!" madramang sigaw ni Cyrielle at nagkunwari pang nagpupunas ng luha.


"Basted-in mo na, Jaide!" si Creed naman ay ngumisi kay Cali. Inambahan siya ni Cali ng suntok kaya natawa kaming lahat.


"May kasalanan ka pa sa'kin, Arello! Napaniwala mo ako roon! Napaamin tuloy ako nang wala sa oras!" asik ni Cali sa kaibigan ko.


Nagkwentuhan pa kami habang isinasakay ang mga gamit sa kotse. Di nagtagal ay tumulak na kami pauwi sa Laguna.


"Anak? Jaide, gising ka na ba?" boses ni Mommy galing sa labas ng pintuan.


"Yes po, Mommy!" pasigaw na sagot ko. Nagpaalam siya at binuksan ang pintuan ko. Saglit niyang inilibot ang tingin sa kwarto ko bago nagsalita.


"Mag-ayos ka na at may bisita ka sa baba," lumabas din kaagad siya pagkasabi niya noon.


Bisita? Sino?


As far I my memory is concerned, wala akong inimbitahan ngayong araw dahil ang plano ko lang ay magpahinga. Labag man sa kalooban, nagsimula akong mag-ayos. Mabilis akong naligo at nagsuot lang ng maong shorts at purple cropped top. Hindi na ako nag-abalang maglagay ng kolorete sa mukha dahil nasa bahay lang naman... na agad kong pinagsisihan.


Nang makarating ako sa living room, natanaw ko ang isang lalaking nakaupo sa aming puting sofa. Dumiretso ako kay Mommy na nakaupo sa katapat na sofa ng lalaki at humalik sa pisngi nito. Humarap ako sa bisita para batiin sana pero naestatwa na ako sa pwesto ko nang makita kung sino 'yon.


"Good morning, Jaide!" nakangiting bati ni Cali at iniabot ang isang kumpol ng yellow tulips. Agad ko namang tinanggap iyon kahit medyo lutang pa ako.


"What are you doing here? I mean... Bakit hindi ka nagsabi na papunta ka?"


"It wouldn't be called a surprise visit if you knew," he smirked at me.


Sasagot na dapat ako nang makarinig ng tikhim sa likuran ko. I quickly faced my mom. Muntik ko nang makalimutang narito siya!


"Mr. Najarro, have you eaten lunch already?" pormal na tanong ni Mommy. She gave me a short glance and back to Cali again. I guess, nagpakilala na si Cali kay Mommy kanina.


"Hindi pa po, Ma'am," umiling si Cali. "Dumaan lang po ako para ibigay kay Jaide ang bulaklak."

Downfall of the Ace (Series of Epitome 1) : COMPLETEDWhere stories live. Discover now